"What the hell!" muling ani ni Josh na hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. "Wow! Mas lalo mo akong pinapabilib sa husay mo sa paghahanap," wika ni Marcus at naupo pa ito sa sofa. Tumabi naman si Clarence kay Marcus at nakipag high five pa ito. "Alam mo na paparating sila dito?" inis na tanong ni Josh kay Clarence. Itinanggi naman ito ni Clarence, pero hindi naniniwala si Josh kaya itinuro ni Marcus ang orasang pambisig nito kaya agad na napatingin si Josh sa kanyang relo at tinignan ang loob nito. Nang makita nito ang red dot ay masama niyang tinignan si Marcus. "So alam mo na nandito si Celestina?" galit na ani ni Josh. Tumango naman si Marcus kaya gulat na gulat ang mga kaibigan nila maliban na lamang kay Hugo na sa simula pa lamang ay pinagdudahan na niya na may kinalaman si M

