"Magiging asawa ko rin siya. Tigilan ninyo ako dahil diskarte ko 'to. Bumalik na nga kayo ng Pilipinas, wala naman kayong mga silbi!" inis kong ani pero pinagtatawanan lang ako ng mga sira ulo kong mga kaibigan. "Dalhin mo ako sa kusina at tuturuan kita kung paano magluto ng taho sa stove. Napakadali lang niyan kaya sigurado akong hindi ka malilito," wika ng chef ni Marcus kaya malaking-malaki ang ngiti sa aking labi. "Gusto niya ay calamansi flavor, sa isang cup daw dapat ay may sampong malalaking calamansi na piniga dito," wika ko kaya biglang humarap sa akin ang chef na nanlalalaki ang mga mata. Kulang na nga lang ay lumuwa ito na hindi inaalis sa akin ang pagkakatingin. "Hijo, alam mo ba kung gaano kalalaki ang lime dito sa France? Gusto niya ng sampong calamansi sa isang cup ng tah

