"May problema ba kuya?" pag uulit ko sa tanong ko na hindi naman niya sinagot kanina. "Wala naman. Alam mo naman na sa uri ng pamumuhay ko ay marami akong kaaway. Ayokong may mangyaring masama sa inyo ng baby mo kaya pinag-iingat ko kayo," wika niya kaya ngumiti ako sa kanya. "Marunong naman ako sa labanan dahil tinuruan ninyo ako ni Kuya Cairo. Marunong akong bumaril at marunong din akong makipag laban ng mano-mano. Marunong din ako sa patalim katulad ng itinuro sa akin ni Kuya Dustin," sagot ko pero ngumiti lamang siya sa akin ng isang simpleng ngiti at hinalikan pa ako sa ulo. "Bakit nga ba gising ka pa? Mukhang malalim yata ang iniisip mo. Pwede ko bang malaman?" wika niya kaya napabuntong hininga ako at isinandig ko ang aking ulo sa balikat niya. "Kuya may gusto sana akong itanan

