Hindi na nakatutol pa si Celestina. Hindi niya gusto na humingi ng tulong kay Josh ngunit sila ang nasa harapan nila sa mga oras na kailangan nila ng tulong at ipinagpapasalamat niya ito. Pagkarating nila ng parking lot ay maingat na naisakay ni Josh si Celestina sa kanyang sasakyan. Kinuha niya ang susi nig sasakyan ni Celestina at iniabot ito kay Lucio upang ito ang magmaneho ng sasakyan ng dalaga. "Huwag ka ng matakot, nandito na ako at hindi ko hahayaan na may taong mananakit sayo," wika ni Josh at hinimas pa nito ang maganda at makinis na mukha ng dalaga. "Natatakot ako, baka sasaktan niya ako kaya niya ako sinusundan," wika ni Celestina. "Hindi ako papayag na may mananakit sayo, huwag ka ng matakot dahil nandito na ako," sagot ng binata sa kanya kaya simpleng tango lamang ang sin

