βββββ¦β’β©β’β¦ββββ "Aba, sa akin ay walang problema kung ano man 'yang ipapahuli mo kay Hugo, tutulungan ko pa siya," sagot ni Sebastian. Mas lalo tuloy lumalaki ang pagkakangisi ni Josh sa narinig niya mula sa binata. Hindi man sabihin ng diretsahan ni Celestina sa kanila kung ano ang gusto nitong ipahuli kay Hugo ay alam na alam na agad nito ni Josh at ni Marcus na palaka ang gustong kainin ni Celestina. "Ako din, willing naman akong tumulong kung ano man 'yan. Siguro isda 'yan dahil sabi mo nga ay parang inaalagaan. Pating ba 'yan? Imposibleng ahas dahil hindi naman 'yan pwedeng gawing pet. So, sa tingin ko ay gusto mong kumain ng adobong isda. Ang weird ha, ngayon ko lang nalaman na pwede pa lang kainin ang pating, at aadobohin pa," sagot ni Mayson. Malakas na tumatawa si Marcus at magi

