"Zed, what’s the problem?” I asked softly, reaching out for his hand and holding it. He looked like his mind was somewhere else. Minsan ko lang siya makitang ganito, kaya alam kong may problema siya. "Elora," he called me for the third time. "Hmm?" this guy... "She came back." tulala pa rin. Mukhang alam ko na, "Carelle's back." I smiled bitterly. I hate her. I hate that b***h!
Umuwi agad ako sa bahay nang matapos ang huli kong klase. It's 5pm. Alam kong may lakad ngayon ang mga kaibigan ko pero heto at nandito ako sa kwarto, nag-iisip. Binabagabag pa rin ako ng kaisipang nandito na ulit si Carelle– ang ex ni Zed.
Kaya pala napapadalas ang pagbabasag-ulo niya, nandito na pala ulit sa Pilipinas ang unang babaeng naka-relasyon niya. O iyon lang ba talaga?
They got together when they were 15, but broke up when Carelle cheated on him. I know everything was casual for Zed, so I don’t get why he seems so affected now. And it's been what? 2 years? So, why now?
Ang alam ko, hindi si Carelle ang first love niya pero siya ang una nitong naging girl friend. Lucky b***h. But what I don’t understand is that he wasn't hurt at all when she left for London. He didn’t even care. Bakit ngayon na bumalik na ay parang big deal sa kaniya? Hindi ko alam kung nasasaktan ba siya ngayon o sadyang may iba pang dahilan.
Whatever it is, I know Zed will tell me in his own time. Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata hanggang sa dinalaw ako ng antok.
Nagising ako sa isang tawag mula sa cellphone ko. It's Bia. I answered her call. “What?!" bungad ko. Nakahilata pa rin ako at nakatalukbong ng kumot, nanunubig pa ang mata dahil kulang pa ang tulog ko.
"Girl, nandito kami ngayon sa Ace Club! And guess what?" The f**k. 9pm lang, ginising talaga ako for this?! Hindi na nga ako nagparamdam kanina at umuwi agad dahil ayaw kong sumama. Hays. "What?" Naririnig ko ang tawanan at kantyawan ng mga kaibigan ko sa kabila ng loud music sa club.
Tumawa pa siya bago sumagot, "You know Damien, right? Damien Sarmiento?" Huh? At bakit naman nadamay sa usapan ang snobber na iyon? Impit pa siyang tumili, "He's here! He's with his friends." So?! Umiinit na talaga ang ulo ko sa babaeng 'to.
She giggled once more, "Zed is here too, he's drunk! I don't know, but he looks like he's got some problems." Saglit akong natigilan bago mabilis na tumayo. Pinatay ko rin ang tawag.
I put on a black velvet mini dress with a plunging V-neckline. I hurried to get ready, and once I was satisfied with how I looked, agad-agad akong bumaba. Gosh, Zed!
Nagpahatid ako sa driver namin dahil 17 pa lang naman ako. Wala pa akong license. It took me half an hour to get there.
Nagtataka ba kayo kung paano kami nakapuslit? Well, Tito lang naman ni Aaron ang may ari nitong Ace Club.
Nilibot ko ang tingin sa buong club nang makapasok, hanggang sa tumama ang paningin ko sa table ng mga kaibigan ko. Aaron is busy kissing his flavor of the night. Bia is nowhere to be found, but there's no need to look for her—she's probably out boy hunting right now, like she usually does every time we party.
Kara, on the other hand, is quiet, focused on her phone. Tsk. Kara and her long-distance boyfriend. Meanwhile, Dave is minding his own business. Hindi man lang pinapansin ang mga babaeng pasimpleng umuupo sa tabi niya.
Ihahakbang ko pa lang ang paa ko pero nakita ko sa counter si Zed. Oh, my boy!
Bia is right—he's drunk and he looks troubled. I also caught a glimpse of Damien and his friends. They're casually sipping their drinks, not paying any attention to the loud music or the wild crowd in the club.
Sobrang daming tao ngayon, I wonder bakit hindi sila nag VIP? Sabagay, hindi rin kami VIP ngayon. Nakakapagtaka pa nga na makita sila rito sa first floor. Everyone on the dance floor is busy.
May mga nakikita pa akong nagmamake-out sa gilid. Cheap! Marahan akong lumakad papalapit kay Zed. "Hey," bati ko nang tuluyan ko siyang malapitan. Gulat pa siyang tumingin sa akin.
"B-babe." Tignan mo 'to! He looks drunk pero nakuha niya pa rin akong inisin nang hindi niya nalalaman. Zed and his endearment!
"Are you okay? Let's get out of here," I said, helping him up. We got into his car in the parking lot.
"Elora." He's on the verge of breaking down.
"Hmm? I'm here. Tell me what's wrong." Nanatili siyang hindi nagsasalita hanggang sa nakita ko ang panginginig ng balikat niya. Lumingon siya sa bintana ng kotse para hindi ko makita ang mukha niya.
"She came back, but I don't care. What’s hurting me is the fact that she came back w-with my... m-mom." Nanlaki ang mga mata ko. Si Tita Armina?
Bata pa lang kami ay madalas na naming naririnig ang pagtatalo ng mga magulang niya habang naglalaro kami ni Zed sa kaniyang kwarto. Magkapit-bahay lang kasi kami, kaya hindi rin ako hinahanap nila mommy kapag wala ako dahil alam nilang naglalaro lang kami sa bahay nina Zed.
Hanggang sa mag 12 years old kami, nalaman naming iniwan na sila ni Tita Armina. Iniwan na siya ng mama niya. Pero bakit? Nag-iisa lamang siyang anak. Paano na si Tito Chris?
Hindi na siya kailanman nagparamdam, nabalitaan naming may bago na itong asawa sa London. Hanggang sa nagkaroon din ng bagong asawa si Tito. Nakilala niya ito sa isang business meeting.
Hindi man lang nila naisip ang sakit na dinulot nila kay Zed. That's why I'm always by his side. Whenever he's hurt, laughing, or his heart is happy, we're always together. Noon pa man.
When we reached the age of fifteen, that's when he learned about being in a relationship. At ang naging girlfriend niya ay si Carelle Samson. Ang alam ko lang ay 15 din siya kagaya namin, at sa Star University siya nag-aaral. Nasa London ang papa niya.
Hiwalay na rin daw kasi ang mga magulang nito. May bahay sila sa London, pero mas pinili niyang manatili rito sa Pilipinas at manirahan sa mga Tita niya.
Maganda siya at makinis. Pero mas maganda ako! Nag-iisa siyang anak samantalang ako ay bunso sa aming magkapatid. Si Kuya naman ay 4th year college na. Business Ad ang tinahak niya dahil siya ang magma-manage ng aming business pagdating ng panahon.
Mahinhin din ito, hindi kagaya ko na mukhang suplada at mataray. At ayoko sa lahat ay ang katulad niya. Masyado siyang two-faced b***h!
Naalala ko pa na isang araw ay pumunta ako sa bahay nina Zed dahil nabalitaan kong inaapoy siya ng lagnat. At nalaman ko rin na hindi man lang niya naasikaso ang best friend ko dahil inuna niyang kumirengkeng sa iba!
Akala niya siguro hindi ko malalaman ang pagiging b***h niya. Hindi rin naman kasi inaasahan ni Aaron na makikita niya itong may ka-makeout sa madilim na bahagi ng parking lot sa mall. Gosh, 15 lang siya. Really??
I took care of him like I always do. At nang masigurado kong maayos at bumaba na ang temperature niya kahit papaano, I left his room to return the towels and basin I had used.
Nakasalubong ko pa sa living room sina Tito Chris at Tita Shane. Mukhang kagagaling lang nila sa trabaho. Ngumiti sila sa akin, "Thank you, Elora. Mabuti na lang talaga at nandito ka. Pasensya ka na, kagagaling lang kasi namin sa meeting. Kamusta ang pakiramdam ni Zed?" saad niya.
"Okay na po, Tito. Kailangan na lang po niyang magpahinga. Pinakain at pinainom ko na rin po siya ng gamot." Tumango sila at pumunta sa kwarto ni Zed para makita ang lagay nito.
Palabas na ako ng gate nila nang tumambad sa akin si Carelle. This b***h! May kapal pa siya ng mukhang magpakita rito!
"What are you doing here? Where’s Zed?" tanong niya. Tumaas ang kilay ko at sarkastikong tumawa. "Oh my, you even have the audacity to ask about my best friend? Kung ikaw 'tong kagagaling lang sa pakikipag halikan sa iba. How cheap. Nasaan ang delikadesa mo, Carelle? Low class two-faced ugly bitch." Malamig pero matalim ko siyang tinignan.
Nanggigigil talaga ako sa kaniya! How dare this stupid girl cheat on Zed?!
Nakita ko ang pagkainsulto at galit sa mga mata niya. "Oh, cut the crap! I know you have feelings for my boyfriend, that's why you're acting like this now." May diin niyang balik. What the!
I smirked. "Ako? May gusto kay Zed?" Saka tumawa nang malakas. "Nababaliw ka na. Sumobra ka sa kalandian kaya pati pagiging magkaibigan namin, dinudungisan mo!" Pagtatakpan niya pa mga karumihan niya!
"Why? Am I wrong?! What right do you have to interfere with us? Like you said, you're just friends. You're just a friend!" Mas nanggalaiti ako sa sinabi niya. Anong karapatan niyang magdesisyon sa nararamdaman ko?!
"Kahit sino, kahit hindi niya kaibigan, hindi magbubulag-bulagan sa mga panloloko mo! You know what? You're right. I'm just his friend. A friend from childhood. A friend who knows everything about him. A friend who knows that his best friend is hurting right now dahil sa isang walang kwentang babae kagaya mo!" Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko.
"Walang hiya ka! Isusumbong kita kay daddy!" Nakakaloko akong tumawa sa kaniya, hindi ininda ang sakit ng pisngi na tinamaan ng marurumi niyang palad. "Talaga? Hmm, ano kayang sasabihin niya kapag nalaman niya galing mismo sa bibig mo ang ginagawa mong kalandian dito sa Pinas?" Nagawa ko pang ngumiti. "Baka ikahiya ka."
Sa kabila ng galit niya, ramdam kong kinabahan din siya. Akma siyang tatalikod nang higitin ko ng mahigpit ang braso niya. Dumapo nang malakas ang palad ko sa pisngi niya ng dalawang beses. Napatagilid ang ulo niya at muntikan pa siyang matumba. b***h! Tanga lang ang hindi gaganti.
Hinayaan ko siyang makaalis pagkatapos kong ipatikim sa kanya ang galit ko. They broke up immediately the day after tomorrow. I don’t know, maybe Zed just knows when to dump a dirty b***h? Knowing it’s his first relationship, it’s sad to realize na hindi naging memorable or worth it. What a waste of time. That’s when we heard she left the Philippines for London.
But then again, how come she’s with Tita pagbalik dito? I’m confused, and so is Zed.
One thing’s for sure, I have a bad feeling about this.