"Mommy,anong oras po ba pupunta si Tita Claire?Naiinip na kasi ako." sabi ni Ate Kiffy na nakakunot na ang kan'yang noo. Ngayon kasi kami susukatan para sa wedding gown ko at mga susuotin din nila. Ang Claire na tinutukoy nila ay isa sa mga pinakamagaling na designer ng mga gowns sa buong Pilipinas. Isa kasi s'ya sa mga itinatampok din ang gawa sa mga fashion abroad. Kaya naman malaking pera ang ilalabas nila para dito. Hindi biro ang bayad sa isang designer. Kaya parang gus'to ko na nga na umatras. Pero paano ang mga plano ko? Paano ko magagawa ang lahat ng 'yon kung ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng guilt. Sobrang bait nila sa akin. Halos lahat ay itinatanong muna nila sa akin. Kung ano ang gus'to ko at ayaw ko. Pero paano naman si Ate Rachel? Paano naman ang pamangkin ko? Ang hu

