KAIZER RAMIREZ Pagpasok ko sa bahay ay nagkakagulo na. Kung iniisip ng iba na ang buhay namin ay sobrang seryoso. Dahil sa trabaho na mayroon ako at maging ang aking ate at lalo na ang dad namin na isang retired sarhento. Ewan ko ba kay Dad kung bakit sa dami ng promotion na dumating sa kan'ya ay ni isa hindi ito tinanggap. Maari s'yang operation na tagumpay noon at malaki ang tiwala sa kan'ya ng mga nasa itaas. Ayaw din naman namin itong usisain ng mg kapatid ko. Kahit ako ay gustong gusto na itong tanungin sa kan'yang dahilan kung bakit ayaw n'yang tanggapin. Pero si Ate Kiffy mismo ang nagsabi sa akin na hayaan na lamang namin si dad sa naging desisyon nito. "KUYA!" tawag sa akin ng kambal ko. Yes may kakambal ako. Identical twins kami nito,kaya naman s'ya ang aking girl version. Na

