KINABUKASAN ay tanghali na ako nagising. Inayos ko ang aking kama. Dahil ito ang palaging sabi ni Mom. H'wag na h'wag iiwan ang kwarto na magulo. Dahil nakakahiya daw sa mga kasambahay namin. Sa totoo lang ay lumaki kaming magkakapatid na may kasambahay nga. Pero lahat ng gawain dito sa bahay ay kaya namin gawin. Ganoon kami pinalaki nila Mom. At maganda naman ang naging resulta. Dahil kahit saan kami magpunta ngayon ay kaya namin ang aming mga sarili na walang tulong mula sa ibang tao. Iyon ata talaga ang pamamaraan nila Mom,para kahit malayo kami sa kanila ay hindi kami mahihirapan sa mga sarili namin. Kahit nga sobrang spoiled naman kami kila Lolo at Lola. Both sides nila Mom at Dad ay palagi kaming nasusunod sa layaw. Kaya nga kapag nagbabakasyon kami sa mga Lolo at Lola namin ay s

