One week later Third Person POV: Kalabog ng mga nahuhulog na gamit ang maririnig sa loob ng kwarto ni Kaizer. "Aahh! Bakit mo nagawa ito sa akin Ely? Wala akong kasalanan sa nangyari sa Ate mo....." Sigaw nito na hindi matanggap ang ginawang pag-iwan sa kan'ya ni Ely sa mismong araw pa ng kanilang kasal. "Anak,.ano bang nangyayari sayo? Tama na please. Maawa ka naman sa sarili mo. Araw-araw ka na lang ganito. Ang trabaho mo napapabayaan mo na." mahinahon na sabi ni Mara sa kan'yang unico hijo. Hindi n'ya akalain na magiging ganito ito. Hindi n'ya din akalain na magagawa ni Ely na saktan ito. "Mom,si Ely ang kailangan ko. Magiging okay lang ako. Kapag bumalik na s'ya sa akin. Kaya ko naman magpaliwanag sa kan'ya. Kaya ko na linisin ang pangalan ko. Na wala akong kinalaman sa nangyar

