Pumasok ako sa loob ng gate namin na halos sira-sira na. Hindi na kasi ito na-asikaso din ni Ate,kaya naman ganito na ang nangyari dito. Mula ng umalis ako ay hindi na din tumira dito si Ate. Malayo din kasi ito sa university kung saan ito nag-aaral kaya naman mas better pa din na mag-rent na lang s'ya ng tutuluyan. Malapit sa university kung saan s'ya sana ay magtatapos ng pag-aaral. Kaya lang ay paano pa s'yang magtatapos kung nasa loob na s'ya ng kabaong. "ELY!" dinig kong tawag sa akin ni KRIZZA.matalik s'yang kaibigan ng ate ko. Simula pa ng highschool. Kaya naman sobrang malapit talaga sa isa't-isa. May mga tao naman na nakikiramay. Inakay naman ako ni Krizza papasok at nakita ko naman sila aling Minda. Ang mga kapitbahay namin na s'yang nandito ngayon. Na-alala ko na naman ang

