"DAKZ!" Tawag ni mommy kay daddy ng madalas n'yang tawag dito. Lasing na lasing na si Mom,dahil sa baliktad na ata talaga ngayon ang mundo. Sila na ang manginginom. Samantalang kami nila dad ay tamang shots lang sa gilid. Dahil hindi kami maaring malasing. Dahil kami ang magdrive mamaya ng mga kotse. Kaya kailangan ay tamang inom lang. Hindi namin kaya na ilagay sa peligro ang buhay ng mga mahal namin sa buhay. Kaya nang mapansin namin na nagkatuwaan na ang mga ito ay tumigil na kami. At ngayon ay lasing na nga ang mga ito. Maging si Mamita na hindi naman malakas uminom ay inaalalayan na ni Lolo Gavin. "Mahal ko, please nakakahiya sa mga bata. Hindi mo dapat ako tinatawag na gan'yan." saway pa ni Dad kay Mommy. Ang DAKZ kasi ay nickname ni Dad na si mommy ang nagbigay sa kan'ya. Hindi ko

