KAIZER's POV Halos hindi ako makapaniwala na aabot kami sa ganito ni Ely. Pasimple ko s'yang pinagmamasdan ngayon habang pinagmamasdan ko. Noong dinala ko s'ya kila Lolo at Mamita ay dahil sigurado na talaga ako na s'ya na ang babaeng nais kong makasama. Hindi ko kayang mawala pa s'ya o makuha ng iba sa akin. Hindi ko akalain na isang babaeng makilala ko lamang sa isang party ang kababaliwan ko ngayon. Si Lolo at Mamita ay gus'tong gusto din s'ya para sa akin. Kahit na nga sandaling panahon lamang nila ito nakasama. Sobrang naging malapit ang mga ito sa kan'ya. Na halos kulitin na nila kami na magkaroon na magkaroon sila ng apo. Sana nga ay sa ilang beses na may nangyari sa amin ay mabuo. Flashbacks: Nagising ako ng maaga dahil gigisingin ko ng maaga si Ely, Kagabi ko pa pinag-iis

