Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Naabutan niya ang mga magulang na kumakain ng almusal. Nagmano muna siya sa mga ito at bumati. Pagkaraan ay humakbang pabalik.
"May nakalimutan pala ako."
"Ate, breakfast ka muna." tawag sa kanya ni Gino ang nakababata niyang kapatid.
"Busog pa naman ako bunso, mamaya na lang siguro."
"Halika na dito." Tawag ng kanyang ama.
"Maupo ka nga, naguguluhan kami sa'yong bata ka." Wika naman ng kanyang ina.
"Sige na Hija, kumain ka na." Wika naman ng kanyang ama.
Wala siyang nagawa kung 'di maupo at sabayan ang mga ito sa pagkain. Buong akala kasi niya ay nakaalis na ang mga ito para magtinda sa palengke. Kung saan naroroon ang kanilang Sari-saring mga paninda at iyon ang ikinabubuhay nila noon pa man at ito rin ang tanging nakapagpapatapos sa kanyang pag-aaral.
Takot siyang mapagalitan ng kanyang mga magulang dahil nga sa may kasama siyang lalaki kagabi.
"Saan ka galing kagabi?" Seryosong pahayag ng kanyang ama.
"Ah, diyan lang naman papa hindi kalayuan dito sa atin. Niyaya kasi ako ni Monique na magkaraoke.
"Ganoon ba? Ang lalaking iyon, sino siya?" Kunot noong pahayag nito na ang tinutukoy ay si Chivaz.
"Ah, si Chivaz po. Kaibigan lang din siya ni Monique pa." Kinakabahang pahayag niya.
"Kumusta naman ba, nag enjoy ba kayo?" Singit ng kanyang ina.
"Oo naman po ma, sobrang nag ejoy kami."
"Mabuti naman kung ganoon, kay sa naman nag mu-mukmok ka lang sa kwarto mo." Sigunda ng kanyang ina.
"Hindi po kayo galit?"
"Bakit naman kami magagalit? may ginawa ka bang masama?" Wika ng kanyang ama.
"Wala naman po."
"Wala kaming dahilan para magalit sa'yo anak. Nasa tamang edad ka na, alam mo na ang tama at mali. Kung mabuti naman ang intensyon ng sinasabi mong si Chivaz hindi kami magagalit ng papa mo." Nakangiting pahayag ng kanyang ina.
"Mama naman, hinatid lang naman ako ng tao kasi nga gabi na. Kagabi ko lang din siya nakilala.
"Naku! si ate namumula na ma." Nakangiting pahayag ni Rocky ang kanyang bunsong kapatid.
"Ano ba, nagmamalasakit nga lang iyong tao eh." Saway niya rito.
"Well, sakali mang manligaw ang batang iyon sa'yo kailangan magpaalam muna siya sa amin. Siguraduhin niya lang talaga na hindi ka niya paiiyakin." Anang kanyang ama.
"Tingin ko naman Honey, mabait ang batang iyon." Sigunda naman ng kanyang ina.
Napailing na lang siya sa sobrang advance ng mga itong mag-isip.
"Kung hindi mo siya boyfriend ate bakit may pahatid-hatid pang nalalaman?" Ani Rocky.
"Sabi ko nga, nagmamalasakit lang iyong tao. Ang kulit mo!" Aniyang piningot ang ilong ng kapatid."
"Nagsisimula na naman kayo." Saway ng kanyang ina.
"Binibiro ko lang si ate ma, pikon kasi eh." Anitong sinabayan pa ng tawa.
"Ang sama mo." Aniya rito.
Nakangiti lang ang kanyang mga magulang habang nag-aasaran sila.
Dalawa lang silang magkapatid ni Rocky, kaya naman mahal na mahal niya ang nakababatang kapatid. Kahit madalas pa siyang asarin nito ay nilalambing naman siya nito pagkatapos. Ka-gagraduate lang niya ng college kaya naman nagtrabaho muna siya sa isang pawnshop, habang hinihintay pa niya na tawagan siya ng kompanyang inapply-an niya. Ng sa ganoon ay may pang tustos siya sa pangangailangan niya. Nahihiya na kasi siyang hingi lang ng hingi sa mga magulang.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay bumaba siya at nagtungo sa terrace ng kanilang bahay. Nakakagaan sa pakiramdam ng makita niyang namumulaklak ang mga bulaklak na itinanim pa nila ng kanyang ina.
Medyo gumaan ang pakiramdam niya. Naaaliw siya habang kinukuha ang mga layang dahon nito. Maya-maya'y tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niyang kinuha sa mesa na pinaglagyan niya kanina. Kunot noong tiningnan niya ang screen, hindi kasi ito nakarehistro sa contacts niya.
"Hello?" anito sa kabilang linya. Nabigla pa siya kasi lalaki ang nasa kabilang linya.
"Hello, who are you?" Nairita niyang sabi.
"Ahem.., Grabe naman! it's me Chivaz ang naghatid sa'yo last night remember?"
"Ah.. Sorry, number lang kasi nakalagay eh." Biglang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi ng marinig ang pangalan nito.
"It's okay. Anyway, nakuha ko nga pala kay Monique ang number mo. Baka kasi magalit ka sa kanya."
"Hindi ah, sobra ka naman." Aniya.
"Balita ko, brokenhearted ka pala." Anito na bahagya pa niyang narinig ang buntong hininga nito.
"Ah, oo.. Pero, medyo okay naman na ako."
"Mabuti naman pala kung ganoon. Ang laking gago ng ex mo at pinakawalan ka niya."
"Naintidihan ko naman, minsan hindi naman talaga mapilit ang puso, kung ayaw na talaga." Wika niya pagkuwa'y mapait na ngumiti.
"Sa tingin ko, unti-unti ka na talagang nag mo-move on niyan. Good to hear that."
"Siguro." Aniyang kibit ang balikat.
"Can i go to your house Syd?"
"Ha?"
"Kung okay lang sana."
"O-oo naman, sige punta ka lang."
"Really? thank you Syd, tonight i'll be there."
"Ha? si-sige, ikaw ang bahala." Aniya pagkuway naupo sa upuan na naroroon.
Hindi naman kasi siya makapaniwala sa sinabi nitong pupunta sa bahay nila. At bakit naman kaya ito pupunta? Ang daming naglalaro sa isip niya.
"Syd, are you still there?" Anito sa kabilang linya.
"Yes, Im still here."
"So, paano kita na lang tayo mamaya?"
"Okay, see you tonight Chivz." Aniya pagkuwa'y nagpaalamanan na silang dalawa.
Hindi tuloy siya napalagay. Ewan ba, parang gusto na niya tuloy na gumabi para makita ang binata.
"No! this can't be.." Saway niya sa sarili sa isiping may gusto na siya rito. Brokenhearted nga siya diba? Pero bakit ganito nararamdaman niya?
Hindi naman siguro. Palagay lang siguro siya rito kasi mabait ito. Oo nga't gwapo ang binata. Bukod pa roon, Sunod ito sa uso at malinis magdala ng damit. Kagabi kasi ng kasama niya itong umuwi palagay siya masyado rito. Parang safe siya kapag nasa tabi niya ito..
Alas syete na ng gabi, hindi magpalagay si Sydney. Palakad lakad siya sa kanyang kwarto. At ng magsawa sa kakalakad ay naupo siya sa harap ng salamin at sinuklay ang mataas at makintab niyang buhok. Kapagkuwa'y nag spray ng pabango.
Sumagi panandalian sa kanyang isipan si kelvin, naalala pa niya, minsan kasi kapag magkasama sila ay sinusuklayan nito ang buhok niya. Paraan nito para maglambing sa kanya.
Ilang sandali pa ang lumipas ay may kumatok sa pinto.
Bumulaga sa kanya ang kapatid na si Gino.
"What are you doing here?" Kunwa'y masungit niyang sabi.
"Well, i just want you to know, na may lalaking naghihintay sayo sa baba, kung ako sa'yo bumaba ka na ate."
"Sige susunod na ako." Aniya.
Naabutan niya si Chivaz sa kanilang sala kausap ang kanyang ama. Bumati siya sa kanyang ama pagkuwa'y nagpaalam na ito sa kanila.
"Hi, aniya sa binata."
"Hi, good evening! anito pagkuwa'y pareho tumayo ito.
"Magandang gabi rin sa'yo. Maupo ka na."
Naupo na rin ito sa tabi niya.
"Parang seryoso ang pinag-usapan niyo ng papa ko ah." Biro pa niya.
Bahagya pa itong natawa sa tinuran niya.
"Naitanong kasi ng papa mo kung sinong mga magulang ko, akalain mo ba namang magkaibigan pala sila dati ng papa ko."
"Ganoon ba? akalain mo iyon." 'di makapaniwala niyang sabi.
"Oo nga eh, small world." Nakangiti nitong sabi."
"Bigla ka yatang napasyal dito?"
"Gusto lang kitang kumustahin, Iyong pain sa heart mo kumusta naman ba?"
"Okay lang naman ako, paminsan minsan manunumbalik sa ala-ala ko ang nakaraan. But still, okay lang kinakaya ko naman." Malungkot niyang sabi.
"Ang laki talagang tanga ng gagong ex boyfriend mo at pinakawalan ka niya."
"Paano mo naman nasabi na tanga siya para pakawalan ako?"
"Maganda ka siyempre, mahinhin, pormal, at mabait." Seryosong pahayag nito."
"Grabe naman, nahiya naman ako doon." Nakangiti niyang sabi.
"Totoo iyon." Seryosong pahayag nito sa kanya saka titig na titig sa kanya.
"Paano mo nga pala nalaman na brokenhearted ako?" Pag iba niya sa topic. Parang ang awkward lang kasi sa pakiramdam niya.
"Nasabi kasi sa'kin ni Monique , kaya ka raw niya sinama kasi gusto niyang ma enjoy ka at makalimutan ang problema mo.Nagkukulong ka raw sa kwarto mo kasi nga brokenhearted ka."
"Kakahiya naman, sinabi niya pa talaga iyon."
"Im sorry, kasalanan ko. Tinanong ko kasi siya kung may boyfriend ka. Kaya nga iyon ang sinabi niya."
"I see.. Okay lang iyon." Nakangiti niyang sabi.
Kinuwento niya sa binata kung ano talaga ang nangyari at nagkahiwalay sila ng Ex boyfriend niya. Seryoso naman itong nakinig sa kanya.
"Well, you better thank god at inilayo ka niya sa maling tao." Seryosong saad nito matapos niyang magkwento.
"Oo nga eh." Aniya pagkuwa'y lumingon sa katabi.
'Di sinasadyang magkasalubong ang kanilang mga tingin kung kaya agad niyang iniwas ang tingin sa binata. Maya-maya'y ito naman ang nagkwento sa mga pangyayari sa buhay nito. Nakaraming girlfriends na rin daw ito kaya lang, walang tumagal dahil na rin sa hindi raw nito gusto ang mga ugali ng mga ito. Kabaliktaran daw kasi sa kanyang ugali ang mga naging girlfriends nito. May nalaman pa siya, Isa rin pala itong Engineer. Kaya naman pala magara ang sasakyan nito. Pang apat raw ito sa limang magkakapatid. At marami pa silang napag kwentuhan na kung anu-ano. Palagay naman siya sa binata. Nagtaka pa nga siya para bang kumportable siya kaagad na magkwento rito.
Aminado siyang naging masaya siya at may nakagaanan siya ng loob. Kahit papaano ay nawaglit sa isip niya si Kelvin.
Maya-maya'y nagpaalam na rin ito umagot na kasi ng hating gabi ang pagku-kwentuhan nila at hindi na namalayan ang oras. Nag-aalala itong baka ano pa ang masabi ng mga magulang niya at nagpaalam na rin ito sa kanya.
Masayang nagbalik ng kanyang kwarto si Sydney matapos niyang maihatid si Chivaz sa labas ng kanilang bahay.
'Di nagtagal ay dinalaw na rin siya ng antok at nakatulog.