Elara Pov
Pagbukas ni Liam sa pintuan ng room ng luxury hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Alexander at pina-reserved ng aking mother-in-law ay nagulat ako sa aking nakita. Hindi ko inaasahan na marami pa lang inimbitang mga kamag-anakan at close friends ang aking mother-in-law. Ang usapan namin ay immediate family lamang at ang ninong at ninang ang mga bisita ngunit hindi nangyari. Dahil sa tantiya ko ay aabot ng tatlumpung bisita ang nasa loob ng silid.
Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nakatingin sa akin. Natutuwa silang makita ako. Ngunit ang pakiramdam ko ay parang pinagtatawanan nila ako. Minamaliit dahil hindi ako kasing-yaman ng pamilya ni Alexander.
"The bride is finally here!!!" Narinig kong sigaw ng tinig ng isang babae.
Para akong napako sa b****a ng pintuan. Tila naka-glue ang aking mga paa sa sahig kaya hindi ko ito maihakbang. Naramdaman ko rin ang biglang pamamawis ng malamig ng aking mga palad.
"Lower your eyes, Beshy. Huwag mo silang tingnan sa mukha para hindi ma-trigger ang phobia mo," mahinang bulong sa akin ng kaibigan ko. Nagpunta sa harapan ko si Liam at hinarangan ng kanyang katawan ang aking paningin para hindi ko makita ang mga bisitang nakatingin sa akin.
"H-Hindi ako makahinga, Liam. N-Nanghihina ang mga tuhod ko at masakit ang tiyan ko." Bakit ba kasi hindi tumupad sa usapan namin ang ina ni Alexander? Ang inaasahan kong mga bisita na daratnan ko sa loob ng pribadong silid ay wala pang sampu ngunit hindi pala.
"Inhale. Exhale. Huwag mo silang tingnan. Ipokus mo lang sa mukha ko ang iyong mga mata or di kaya ay ibaba mo ang iyong paningin. Huwag mong tapunan ng tingin ang mga mukha nila."
I know nag-aalala sa akin ang kaibigan ko ngunit ayaw niya akong mapahiya sa okasyong ito. Ayoko rin na mapahiya kaya dahan-dahan kong kinontrol ang aking sarili. Pinili kong sundin ang sinabi ni Liam. Hindi ako tumingin sa mukha ng mga bisita at hindi rin ako ngumiti. Bahala sila mag-isip kung bakit ganito ang reaksiyon ko.
"Bakit ayaw tumingin sa atin ng bride? Ayaw ba niya sa amin?" narinig kong tanong ng isang lalaki ngunit hindi pa rin ako nag-angat ng tingin. Sa halip na ako ang magsalita ay si Liam ang agad na nag-isip ng palusot kung bakit hindi ko sila tinatapunan ng tingin sa kanilang mga mukha.
"Dear guest, pasensiya na kayo sa kaibigan ko. Masyado siyang mahiyain." Si Liam ang humingi ng paumanhin para sa akin habang ako naman ay pinipilit pa rin ang sarili ko na kontrolin ang hindi magandang pakiramdam na nais mabuhay mula sa kaibuturan ng aking puso.
"Really? I didn't know na mahiyain pala ang bride ko," wika naman ni Alexander na lumapit pa sa akin at inangat ng dalawa niyang daliri ang aking baba para salubungin ko ang kanyang tingin. Isang nakangiti ngunit lihim na may nanunuyang tingin ang nakita ko sa mukha niya. Inilapit ni Alexander sa gilid ng tainga ko ang kanyang bibig at bumulong. "Huwag kang umarte na mahiyain ka dahil pareho nating alam kung gaano kakapal ang mukha mo, Elara. Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo ang ginawa mo noon para lamang makuha ang pag-ibig ko?"
Ang emosyon na kanina ko pa pilit na pinipigilan ay hindi ko na nagawa pang kontrolin. Ang nanunuyang ekspresyon pa lamang ni Alexander ay sapat na para hindi ko mapigilan ang pag-atake ng phobia ng ko. Tuluyang nanlamig ang buo kong katawan. Hindi na ako makahinga.
"Stop it, Alexander," galit na pigil ni Liam sa asawa ko, pagkatapos ay hinila ako palayo sa kanya. "Listen to me, Elara. Huwag mong pakinggan ang mga sinabi ni Alexander. Huwag kang magpatalo sa kanya."
Sa malas, kahit anong sabihin pa ni Liam para mapigilan ang phobia ko ay hindi na epektibo. Dahil ang nasa isip ko ngayon ay nasa harapan ako ng mga ka-schoolmate ko habang pinagtatawanan dahil sa mga salitang binitiwan sa akin ni Alexander. My eyes were clouded with tears. Ngunit bago pa man tumulo ang aking mga luha ay nagdilim na ang paningin ko at parang taong walang lakas na bigla na lamang akong tumimbuwag sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay ngunit nang magising ako ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed habang may nakakabit na dextrose sa kaliwang braso ko. Nakita ko ang kaibigan ko na nasa gilid ng kama at nakatulog na sa pagbabantay sa akin. Tinapik ko siya ng marahan sa balikat para magising. Pupungas-pungas namang nagising si Liam nang maramdaman ang pagtapik ko sa balikat niya.
"Thank God, you're finally awake, Elara! You scared the hell out of me," bulalas nito nang makitang may malay na ako.
"I'm sorry. Hindi ko nagawang kontrolin ang sarili ko." Bahagyang pumiyok ang tinig ko sa pagpipigil kong huwag umiyak. Kailan ba ang huling beses na nag-blackout ako dahil umatake ang aking social phobia? Hindi ko na matandaan. Ngunit katulad noon ay sa loob ng hospital na rin ako nagkamalay.
"Wala kang dapat na ihingi ng sorry sa akin, Elara. Alam ko naman kung gaano kahirap pigilan o kontrolin na huwag umatake ang phobia mo. At walang dapat sisihin sa nangyari kundi ang Alexander na iyon." Hinawakan nito ang isa kong kamay at bahagyang pinisil para ipaabot sa akin ang kanyang moral support.
"Ano nga pala ang nangyari sa reception?" Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pag-aalala. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kapag magtanong sila sa akin kung bakit ako biglang hinimatay. Hindi naman puwedeng sabihin ko sa kanila na may social phobia ako. Ayokong malaman ni Alexander na nagkaroon ako ng social phobia dahil sa ginawa niya at ni Isabella sa akin noon. Tiyak na hindi ko makakamtan mula sa kanya ang simpatya sa halip ay sasabihin lamang niya na deserved ko itong nangyari sa akin.
"Ano pa ba ang mangyayari? Siyempre, nagkagulo ang lahat. Nagtaka kung bakit bigla ka na lamang hinimatay," sagot nito sa akin. "Pero huwag kang mag-aalala dahil sinabi ko sa kanila na kulang ka lang sa tulog. Idinahilan ko na hindi ka nakatulog ng maayos lately dahil masyado kang excited sa nalalapit mong kasal kay Alexander," paliwanag ni Liam. Bahagya siyang napangiwi dahil nababatid niyang hindi ko magugustuhan ang sinabi niya. "I'm sorry, Beshy. Wala akong maisip na magandang paliwanag maliban sa sobrang excitement na nararamdaman mo."
Bahagya akong napakuyom ng aking mga kamao. Sa sinabi ni Liam ay tiyak na mas lalo lamang mag-iisip ng masama laban sa akin si Alexander. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo. Ano naman ngayon kung mag-isip siya ng hindi maganda sa akin? Panget naman talaga ang impression niya tungkol sa akin noon pa man. At wala akong pakialam dun.
"Wala akong pakialam anuman ang isipin nila kung bakit ako hinimatay. Ang ipinag-aalala ko ngayon ay kung paano mabubuntis kaagad para mabilis akong makapag-file ng divorce paper sa kanya. Nakita mo naman na halos kainin na niya ako ng buhay."
"May ideya ako kung paano ka mabubuntis, Beshy." May kakaibang ngiti na naglaro sa labi ng kaibigan ko. Kumunot ang aking noo sa kanyang naisip ngunit hindi ako nagtanong. Hinayaan ko lamang siya na ipagpatuloy ang nais niyang sabihin. "Magpabuntis ka kaya sa ibang lalaki at ipa-ako mo kay Alexander."
Napasimangot ako sa ideyang naisip ni Liam. "Kapag ginawa ko iyan ay tiyak na babalatan ako ng buhay, hindi lamang ni Alexander kundi pati na rin ng mommy niya."
"Well, lasingin mo na lang siya at pag lasing na siya ay puwede mo na siyang gahasain," nakakaloko ang ngiti na wika ni Liam. Akmang babatukan ko ang kaibigan ko sa naisip nitong kalokohan nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok sa silid ang taong pinag-uusapan namin. Madilim ang mukha nito at halos mag-isang linya ang mga kilay. Tiyak na narinig nito ang biro ni Liam sa akin. Ano na naman kayang pang-iinsulto ang maririnig ko mula sa kanya ngayon?