Elara Pov Hindi ako masyadong nakatulog sa sofa kaya maaga akong nagising. Nagdesisyon akong umakyat sa silid ko para maligo dahil papasok ako sa office ng maaga. Doon na lang din ako kakain ng breakfast. Habang paakyat ako sa hagdan ay nakasalubong ko ang katulong na si Mercy. "Good morning, Elara. Ba't ang aga mo yatang nagising ngayon?" bati niya sa akin nang nakangiti. "Maaga akong pupunta sa office kaya gumising ako ng maaga," sagot ko sa kanya. Lihim akong nagpasalamat na nauna akong nagising bago pa man siya makababa sa sala kaya hindi niya ako nakitang sa sofa natulog. Tumango lamang si Mercy bago nag-excuse para gawin na ang nakagawian nitong trabaho sa ganoong oras. Ako naman ay itinuloy ang pagpunta sa silid ko. Nadatnan kong tulog pa rin si Alexander sa kama ko pagpasok ko

