Chapter 3

1315 Words
ESME'S POV . . “Oh bell na pala tara na!” sabi ni Rina sabay yakap sa braso ni Jino aka Jina. Nakasalubong ko kasi yang dalawang yan sa hallway at napansin atang wala ako sa mood kaya ngayon lang ako kinausap. Sabagay diko rin naman napansin ang bell dahil sa inis. “Ateng oks kalang?” biglang sabi ni Jina--Jino Jino nangalang! “May gago lang na panira ng araw ko kaya wag ka ng magtanong at baka mabaling ko sayo ang inis ko!” singhal ko sa bakla at nauna ng pumasok sa room. Pagkaupong pagkaupo ko palang ay nakakita na agad ako ng mga panget na grupo na kapapasok palang, syempre sino paba?syempre grupo nina Derick! Malas pa’t bakante ang upuan sa giliran ko at si transferee dude pa ang umokopa! anak ng kamalasan to. Kasunod nila ang propesor--- teka hindi ito ang teacher namin sa— “Goodmorning class I am your sub teacher in English ms. Jessica, Mrs.Gomez will not be around for I don’t know how long because of some personal matters..So since I am new here I want everyone to introduce theirselves infront so I can familiarize your names. Now start with you miss..” napaikot ang mata ko sa sinabi ng bagong guro namin.. puchanggala lang andaming ka ekekan tong babaeng to sarap din bangasan eh. Ilang minuto lang din ang pagpakilala ng ibang mga kaklase ko ng biglang tumayo si transferee dude at pumunta sa harapan na ikinatili ng mga kiti kiti sa tabi-tabi. Tumaas ang kilay ko ng makita ng malinaw ang mukha ni transferee dude, tsh ano bang pinagtitilian nila sa lalaking yan? Mukha namang pwet yang pagmumukha niya. “Uhm hi Im Flynn Jov Rivera a transferee from **** university, I hope I can get along with you guys!” nakangiti niyang sabi at nabigla nalang ako ng lumingon siya sakin ng nakangiti parin, umismid naman ako at hindi na muling tinignan siya. Nagtaka nanaman ako bigla ng sikuhin ako ni Rina, sinamaan ko naman ito ng tingin pero ang gaga senenyasan akong tumingin sa harap kaya lumingon nga ako at lahat pala sila nakatingin sakin. “ANO!?” pasinghal kong sabi na ikinaiwas nila ng tingin sakin pwera kay mam na mukhang nagmamatapang. “Ehem, mister it’s your turn actually.” Sabi niya at pilit na lumunok sa takot ata. Teka tama ba yung narinig ko? mister? psh anong klaseng guro to? di marunong kumilatis bahala nga siya kung anong isipin niya. Sinamaan ko ng tingin sina Rina at Jino mukhang pinagtawanan nila ang pagtawag ni mam sakin ng mister pati na rin sina Derick mukhang kamatis na dahil nagpipigil ng tawa, psh ang liit ng kasiyahan. Tumayo nga ako ng padarag at bored na tumingin sa board. “Esme.” yun lang ang sinabi ko at sinalubong ang tingin ng guro namin na umiwas ng tingin at tumingin sa board. Napakunot naman ang noo ko ng wala man lang itong sinabi na pauupuin ako. “Anything else? hobbies? or any-thing abo-ut ?yours---” "That’s All.” pagputol ko sa sinabi niya saka umupo agad, andaming alam e pangalan lang naman kailangan nya ah? Para namang interesado siya sa mga pinaggagawa namin sa buhay, pinahaba niya lang ata ang mga sasabihin ng mga estudyante niya para hindi makapagdiscuss e tsk. “Hotheaded huh?” biglang bulong ng katabi ko na ikinainis ko lalo, walang lingon lingon kong hinablot ang notebook ni Rina at agad tinapon sa direksyon ni transferee dude dahil sa inis ko. “Hoy loka!” react ni Rina sa gulat at paumanhing nagsorry kay transferee dude. “Ouch!” daing naman ng katabi ko na mukhang natamaan nga ata, hah serves him right! “Ansakit nun ah?” rinig kong dagdag nyang bulong sakin. Diko nalang ito pinansin at hinubad yung cap na suot ko saka ko ginulo yung buhok ko sa inis, ganito talaga kasi ako kapag naiinip o naiistress ginugulo ko ang buhok ko—napahinto ako sa pagasuklay ng buhok ng makita sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si transferee dude kaya sinamaan ko ito ng tingin at binalik sa pagsuot ang cap saka umobob nalang sa desk amboring punyeta nasasayang ang paggugol ko sa assignment ko kahapon dinaman pala ipapass, makitulog nangalang badtrip! . . FLYNN'S POV . . Naglalakad na kami ngayon papuntang classroom, time na kasi kaya nagmamadali na yung ibang estudyante. Habang patungo kami sa classroom namin hindi talaga maiwasang pagtinginan kami kahit na late na yung iba, alam nyo naman iba talaga ang karisma ng mga gwapo. Pagkarating naming sa classroom bigla akong natuwa ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na pigura ng payat na lalaki, damn ehto nanaman tayo eh. Basta paalala lang hindi ako bakla noh! Talagang interesado lang talaga ako bigla sa Esme nayun, YUN LANG PERIOD! Gusto kolang siguro maging katropa yun tama tama yun nga! Sakto namang pagpasok namin ay siyang pagkarating ng guro namin kaya agad kong inokupa yung upuan katabi ng kay Esme. “Goodmorning class I am your sub teacher in English ms. Jessica, Mrs.Gomez will not be around for I don’t know how long because of some personal matters..So since I am new here I want everyone to introduce theirselves infront so I can familiarize your names.Now start with you miss..” sabi ng guro namin, napalingon ako sa katabi ko at napangisi ng makitang bagot na bagot ito, ang angas talaga ng payat nato. Ilang minuto lang din ang pagpakilala ng ibang mga kaklase ko bago ang turno kona.. tumayo nanga ako at pumunta sa harapan na ikinatili ng mga kababaihan. “Uhm hi Im Flynn Jov Revera a transferee from **** university, I hope I can get along with you guys!” nakangiti kong sabi at sa walang dahilan ay bigla nalang akong napalingon sa pwesto niya ng nakangiti parin mukhang nagulat ata siya, pero umismid naman ito maya maya at hindi na muling tumingin sakin. Bumalik naako sa upuan ko ng nakatingin parin sakanya, siya na kasi ang susunod e. Nagtataka kaming napatingin sakanya na bigla nalang lumingon sa paligid. “ANO!?” pasinghal niyang sabi na ikinaiwas nila ng tingin pwera kay mam na mukhang pinilit na wag matakot, nagulat ata sya sa tinuran ng estudyante niya e.Napangiwi naman ako sa gulat dahil sa sigaw niya ang sungit talaga nito parang babae. Lakas ng anger issues parang pas an ang buong mundo. “Ehem, mister it’s your turn actually.” Sabi ni mam at pilit na lumunok natakot ata sa sigaw ni Esme. Nakarinig naman ako ng hagikhikan nina Derick na ikinataka ko umiling lang si Derick ng tignan ko, weirdo. Tumayo nga ito ng padarag at bored na tumingin sa board. “Esme.” yun lang ang sinabi niya at sinalubong ang tingin ng guro namin na umiwas ng tingin at tumingin sa board. Dito naako natawa alam ko kasing inis na inis na siya pero bakit ang kyut ni----lalala wala akong sinabi. “Anything else?hobbies?or any-thing abo-ut ?you-rs---” “That’s All!” pagputol niya sa sasabihin sana ng guro naming saka umupo agad. “Hotheaded huh?” bulong ko bigla sakanya, and the next thing I knew may lumipad ng notebook sa direksyon ko at natamaan ang matangos kong ilong, s**t ansakit. “Ouch! Ansakit nun ah?” daing ko habang hawak hawak ang ilong at napalingon kay Esme----bigla akong natulala ng makita siyang ginugulo ang buhok niya sa inis. Parang nagslowmotion bigla ang paggalaw at pagsuklay niya sa buhok niya at siya nalang ang nakikita ko… ba’t.. ba’t..angganda niya tign----- WATDAHECK!? Natauhan ako sa pag iisip ng sinamaan niya ako ng tingin, para akong binuhusan ng limang balde ng malamig na tubig.. Teka anong nangyare!?bat ganito ang naramdaman ko!? Nabubuang nanga ba talaga ako? Bat anlakas ng t***k ng puso ko? May heart attack naba ako? DI PWEDE TO! HINDEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD