LUNES: DAY 1-TEAM BUILDING SA LABAS NG M.O.I ay mataas na ang araw at mainit sa balat ang tanghoy ng hangin. Namataan ni Rafael, ang Boss ni Alexis na nakatayo siya sa gilid ng puno sa labas bilanguan. Ipinara ni Ralph ang kaniyang sasakyan sa harap ng empleyado. Ibinaba niya ang bintana ng magara niyang kotse at saka ito inayang sumabay na papasok sa opisina. Hindi ito nakatanggi pa dahil alam nito na ayaw niya na siya ay tinatanggihan. Namula si Alexis ng hindi niya mabuksan ang pinto ng sasakyan. Lumabas pa ang kaniyang Boss at umikot para siya ay alalayang makapasok sa sasakyan. Tinawanan siya nito kaya naman siya ay natawa na lang din sa kaniyang kalamyaan. Sa 'di kalayuan ay mayroong mata at Camera ang nagmamasid sa kanila. Sakto pabalik na si Bon sa M.O.I mula sa skwelahan n

