Chapter 5- Strike Again*

1894 Words
Third Person's POV Vander Mansion Hindi mapigilan ni Sebastian Vander ang mag isip. Isang buwan na ang nakalilipas mula ng magpalabas ng will and testament si Great Claudette Vander ngunit, hanggang ngayon ay hindi parin nila mahanap ang kamag anak ng taong pinagbigyan nito ng kwintas. Nagpakalat na siya ng mga private investigator sa iba't- ibang lugar dito sa bansa para makita kung nasaan na ngayon ang nagmamay-ari ng kwintas. Nasa harapan ng hapunan ang mag-anak na Vander. Si Sebastian Vander ang padre de pamilya. Ang Presidente ng bansa at ilaw ng kanilang tahanan na si Elissa Torres Vander. Ang T-Dragons o Tres Dragons na sina Iñigo, Clark at Brix at ang prinsesa ng pamilya, ang kanilang adoptive sister na si Michelle. Lahat sila ay apektado ng kwintas. "Hanggang kailan ba ang nakalagay sa will para mahanap ang nagmamay-ari ng kwintas, Dad?" Putol ni Brix sa katahimikan. Kaya naman parang iisang taong tumingin ang buong pamilya sa kaniya. "They only give us three months!" sagot ni Sebastian Vander. "At kapag hindi natin nahanap ang taong iyon sa loob ng tatlong buwang palugit, lahat tayo ay pupulutin sa kangkungan, gano'n ba?" sarkastikong tanong ni Iñigo. "Apparently, yes!" maagap na sagot ng kanilang ama. "Huh! Ang magpakasal nga sa estranghero ay napakahirap na. Pero, mas mahirap pa palang hanapin ang taong 'yon kaysa ang pakasalan siya," naiiling na sabi ni Clark. "If I were to decide, I'll stop finding the girl." Sabay-sabay silang napatingin sa kanilang ina. "What do you mean, Mom?" Naguguluhang tanong ni Michelle. "What if wala na ang kwintas? What if ang hinahanap n'yo ay wala na pala rito sa bansa?" "I already hired private investigator from different countries, Elissa. Don't you worry I have contacts abroad and they already do the searching," sagot ni Sebastian sa tanong ng asawa. Muli nanumbalik na naman ang katahimikan sa hapag kainan _ "Parang hindi maganda ang araw na ito sa pagbebenta ng kakanin mag aalas onse na ng tanghali pero ang laman ng sunong kong bilao ay hindi pa manlang nangangalahati." Himutok ni Ponyang. Lumayo na siya dahil napansin niya ang mga kapit bahay nila ay mukhang nagkukuripot nanaman. Napagdesisyunan niyang lumabas nalang ng baranggay. Ang balak niya ay pumunta sa public market at doon tumambay. Sigurado kasing makagagalitan siya ng ina na si Aling Gina kapag nakita nitong marami pang laman ang bilao. _ "s**t! Kung alam ko lang na ganito ka traffic ngayon hindi na lang sana ako tumuloy, buti na lang I have waze, I can now find alternative route para makalusot sa traffic." Sa isip-isip ni Iñigo. Nang makarating sa palengke ay biglang nabaling ang atensyon niya sa isang batang babae na kumakatok sa bintana ng kaniyang kotse at nanghihingi ng limos. Gusto man niyang bigyan ito ay hindi niya ginawa dahil napansin niya ang bata ay may kasamang lalake na sa tingin niya ay ama nito at siyang nag uutos sa bata para mamalimos. Napailing iling siya. Nasa malalim siyang pag-iisip ng bigla na lang may sumulpot sa kaniyang harapan na isang teenager na may sunong-sunong na bilao, mabuti na lang ay naging maagap siya at agad natapakan ang kaniyang preno. Pero ang pobreng babae ay nabitawan ang sunong na bilao sa sobrang gulat sumambulat lahat ng iyon at tumilapon sa mamahaling kotse ng binata. "What a mess!" Asar na naibulalas nito napahilamos pa sa kaniyang mukha ang mga kamay. Nagkalat ang puto, kutsinta, sapin-sapin at pichi-pichi sa windshield ng kaniyang kotse. "This is a disaster!" Tuluyan na niyang pinatay ang makina ng sasakyan at bumaba rito para komprontahin ang dalaga na waring nabigla talaga sa bilis ng mga pangyayari. "Magpapakamatay ka ba?" singhal niya rito. "Po?" Parang wala sa sariling sagot naman nito. "Sabi ko magpapakamatay ka ba? Puwes huwag kang mandamay, okay!" inis na sabi niya. Pero nanatili lang nakatitig sa kaniya ang pobreng babae, pakurap-kurap pa ang mata nito, maya'y bigla nalang itong bumagsak at nawalan ng malay. Mabuti na lang at maagap siya at nasalo agad ito. "Oh, s**t!" tanging nasabi niya na agad binuhat ang babae at isinakay ito sa kaniyang kotse at pagkatapos pinaharurot na iyon. Isang lugar lang ang kaniyang naisip na pagdalhan dito. - "Huh! Iñigo what happened to her?" takang tanong ni Clark nang mabungaran ang kapatid sa Vander Hospital na may kargang babae. "I don't know, she just fainted infront of me!" sagot nito. "Take care of her!" utos pa ni Iñigo sa kapatid na si Clark. Agad na may lumapit na dalawang nurse na may tulak-tulak na stretcher at ibinaba ni Iñigo ang kargang babae roon. "What did you do to her?" Hindi siya naniniwalang hinimatay lang ito, alam niyang may iba pang dahilan. Kilala niya si Iñigo malaki na ang ipinagbago nito three years ago matapos iwanan ng girlfriend ay naging mainitin pang lalo ang ulo nito. "Honestly, wala akong ginawa sa kanya, okay! Muntik ko na siyang mabangga pero nakapag preno naman ako," pagtatanggol niya sa sarili. Si Clark ay nag aaral ng medisina at dito siya nagpapraktis ng kaniyang actual lesson sa Vander Hospital na pag-aari nila. "Hinimatay lang s'ya, kaya mo na yan. Huwag na tayong tumawag ng iba pang doctor." Napatango si Clark. "Okay! I can manage!" maagap niyang sagot at ibinaling ang atensiyon sa babaeng nakahiga sa stretcher. "Mamaya ay gigising din siya kapag umipekto na ang gamot," pagbabalita niya sa kapatid. "Okay, good!" sagot naman nito. Inilahad ang kanang palad sa harap niya. "What's that for?" kunot noong tanong niya. "Hand me your car key," sagot nito. "What?" "I said lend me your car, I have a business meeting and that little girl just mess up with my car. Inutusan ko na si Carlos na ipa-car wash 'yon kaya ikaw na lang ang mag-uwi sa bahay magpalit muna tayo," sabi nito sabay abot ng susi ng kanyang Ferrari sa kapatid. Alumpihit na kinuha ni Clark ang susi ng kaniyang bagong-bagong Volvo sa bulsa ng kaniyang pantalon. Alam niya kung gaano ka reckless driver si Iñigo at natatakot siya sa magiging kalagayan ng kaniyang sasakyan kapag ipinagamit niya ito rito. "Thanks, update me when she woke up!" bilin pa nito habang lumalakad ay iwinawasiwas pa sa hangin ang susing hawak. "Tsk! Black sheep!" Iiling-iling niyang sabi, Ibinaling niya ang tingin sa babaeng nakahiga at napangiti siya dahil nakita niyang naghihilik na ito. Agad siyang tumawag ng nurse at inutusan itong magbantay rito dahil mag iikot pa siya. "Just page if she's already concious, don't leave her alone okay!" mahigpit na bilin niya rito. _ Ang sarap na sana ng panaginip ni Ponyang mukhang madudugtungan na iyong nakaraang buwan na panaginip niya tungkol sa isang prinsepe. Ang problema ay may umistorbo sa kaniya nagising siya sa mahinang tapik sa kaniyang balikat. "Wake up sleepy head!" Narinig niya ang napakagandang tinig na iyon kaya marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. "Huh!Ang guwapong prinsepe sa fairytale na lumabas sa libro, ang aking prince charming. Teka! Ano'ng ginagawa niya rito? Ano rin ang ginagawa ko rito?" Naguguluhang tanong ng utak niya. "Ah, excuse me, sir pogi. Ano pong ginagawa ko rito?" nagugulahang tanong ni Ponyang. "You can't remember anything?" Tanong sa kaniya ng gwapong lalake. Pahapyaw siyang tumingin sa kisame at nag isip. "Ah! Naalala ko na!" Ang sabi niya na pinagdugtong muna ang kanan at kaliwang hintuturo. Interesado namang tumingin kay Ponyang ang binata. Hinihintay nito ang sasabihin niya. Bigla tulouly siyang na-conscious. Ang ganda naman kasi ng gray nitong mga mata. "Really! Care to tell me what happened awhile ago?" medyo nainip na ito kaya nagtanong na kay Ponyang para naman kasing wala ito sa sarili at maraming iniisip sa utak. "Ah, opo, sir pog, pero sa isang kondisyon!" sabi niya. Bahagya pa nitong hinawakan ang kaniyang ilong dahil parang may likidong lumabas mula rito. Kunot noong tumingin sa kaniya ang guwapong prinsepe. "What is it?" tanong nito. Pinahid muna niya ang likido na tumulo sa ilong niya. Sabi na nga ba niya, dinugo na naman ang ilong niya. "Pwede po ba mag-usap tayo ng tagalog tutal nasa Pilipinas naman tayo. Hindi niyo po kasi alam na kapag nakakarinig ako ng taong nagsasalita ng Ingles ay dumudugo ang ilong ko," reklamo niya sabay pakita ng kamay na ipinahid sa kaniyang ilong kanina na may bahid na ng dugo ngayon. "Hahaha!" tawa ng binata. Kumunot ang noo niya, seryoso naman siya pero bakit tinawanan lang siya nito? Kumuha si Clark ng tissue at pinunasan ang ilong ni Ponyang pagkatapos ay naglagay ng alcohol sa bulak at pinunasan ang may dugong kamay ng dalaga. "Now tell me, what happened earlier?" "Huh!Tagalog lang, kasasabi ko lang kanina, hindi ka ba nakikinig?" mataray na tanong niya, ang kulit naman kasi ng lalake na ito. "Okay! Pasensiya na hindi ako ga'nong sanay sa dire-diretsong tagalog but, I'll try my very best. Ooops...! Sorry I can't help it." Tsk, grabe siya! Weakness ko to eh! Gusto niya sigurong maubusan ako ng dugo sa kaka-nosebleed. Kumuha na lang siya ng bulak at pinasakan ang magkabilang ilong niya na ikinalaki naman ng mga mata ng binata. "What did you do?" takang tanong nito. "Proteksyon para hindi ako ma-low blood?" sagot niya. "Ganito kasi 'yon! May guwapong halimaw na muntik na akong mabangga kanina pero hindi naman natuloy. Guwapo sana ang lalake na 'yon ang kaso para namang halimaw ang ugali niya. Biruin mo siya na nga ang muntikan ng makabangga siya pa ang galit. Sinigaw-sigawan pa niya ako, kaya sa takot ko minabuti ko na lang na himatayin kaysa naman kainin niya ako ng buhay. Teka! Nasaan na kaya ang poging halimaw na 'yon? Ang sama talaga niya, matapos niya akong muntikan ng mabangga iniwanan na lang niya ako. Pa'no na kaya ang mga paninda ko? Tiyak na pagagalitan ako ni nanay kapag wala akong naiuwing pera, tapos pati ang mga paninda ko hindi ko rin naiuwi, pano na yan?" nag-aalalang sabi niya habang naka pangalumbaba. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa laki nang problema niya "Ang poging halimaw na tinutukoy mo ay siyang nagdala sa'yo rito sa ospital," paglilinaw ni Clark. Nanlaki ang mga mata ni Ponyang. "Huh! Talaga? Nasaan na siya? Kailangan ko siyang masingil do'n sa mga tumapon kong paninda." Nagpalinga-linga si Ponyang sa paligid nagbabaka sakaling makita ang lalaking hinahanap sa tabi-tabi. "Sad to say umalis na siya," sagot ni Clark. "Ay, ganun! Paano na'ko makakauwi nito sa amin? Ang mabuti pa siguro ay umpisahan ko nang mamalimos sa kalsada," sabi niya na nawalan na ng pag-asa. Iyon ang pinakamagandang ideya na naisip niya para madagdagan ang kaniyang pera. Nagningning ang mata niya ng biglang may magliwanag sa utak niya. Sa ganda ng naisip niya ay nasigurado niyang papatok iyon at kikita siya nang malaki. Humanga pa siya sa sariling katalinuhan. Kaya naman binalingan niya ang kausap. Hinatak-hatak pa niya ang puting coat na suot nito. "Ay, sir pogi! Pwede bang paki bendahan mo itong kaliwang braso ko at kanang paa ko?" pakiusap niya rito. "Bakit?" takang tanong naman nito. "Para mas marami ang kitain ko kapag namalimos ako," proud na sagot niya sa tanong nito, sa sobrang ganda ng ideya niya ay na-excite siya ng husto. "I don't think it's a good idea!" Iiling-iling na sabi nito. "Hindi maganda ang manloko sa kapwa, mas masarap kumita ng pera sa maganda at legal na paraan." "Huh! Joke lang 'yon, ito naman hindi na mabiro," palusot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD