"Wag mo akong titigan ng titigan kung ayaw mong isipin ko na may gusto ka sakin." Agad akong napatingin sa harapan ng marinig ko ang mga salitang iyon mula sa lalakimg kanina ko pa tinititigan, si Paul.
Ano bang sinasabi ng lalaking toh? grrr nakakahiya! Pero hmm, gusto naman talaga kita ah, manhid ka lang talaga. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakapikit pa din ang kaniyang mga mata. Nararamdaman ba talaga niya ang mga titig ko?
"I told you to stop staring at me." Ay ampotek naman oh! "I am not, you're annoying!" sabi ko. Paano nya ba nakikita eh naka pikit naman ang mga mata niya? Nakakayamot ah! Di ko tuloy matitigan ang napakagwapong mukha niya kaya ibinalik ko nalang sa harapan ang titig ko.
"HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA" saya saya ah? Inirapan ko siya saka sumagot. "Tss wala namang nakakatawa." Bigla siyang tumayo at inabot sakin ang kanyang mga kamay.
Oh ano nanaman to? Pinapa kilig nanaman ako ng isang 'to. Ang rupok ko pa naman, ansabe? "Asan nanaman tayo?" tanong ko. "Let's try some water sports para naman mas masulit natin ang araw." sagot nya.
Bigla akong na excite sa sinabi niyang iyon kaya binilisan ko ang pag tayo. Yes namern!!
Nag kayak kami at nag banana boat, gusto pa sana namin mag scuba diving pero hindi daw nag ooffer nun ang resort na pinag stayhan namin kaya kayak at banana boat nalang.
"Gutom na gutom na ako." Pagrereklamo ko habang nag lalakad pabalik sa hut namin.
Di na namin namalayan ang gutom kanina eh, masyado kaming nag enjoy sa water sports. Agad naming kinuha ang aming towel at naglakad pa punta sa mga food stalls sa resort na iyon. Hindi pa kami nagbibihis dahil may plano pa kaming mag tampisaw bago umuwi.
"Ba't ang dami naman nito?" tanong ko ng makita ang mga pagkain sa harap namin. Daig pa namin ang nag mumukbang sa dami ng pagkain sa aming harapan. Hindi naman madami ang serving pang isa hanggang dalawang tao lamang ito ngunit napaka raming iba't ibang putahe na nakahanda. May alimango, alimasag mga hipon, clams and oysters pati na ang iba't ibang seafoods. May tuna pa at grilled daing! Nakakatakam lalo at may toyong may kamatis at sibuyas pa.
"Gutom ka kamo diba? hahaha gutom din ako eh, nakakapagod yung mga activities kanina." Sabi nya saka hinagot ang tiyan na animo'y gutom na gutom na talaga. "Oo nga, napagod ako dun pero worth it naman kaya masaya." dagdag ko.
Masaya naming inubos ang pagkain at dahil gutom nga kaming pareho eh naubos naman talaga namin, nag agawan pa kami sa isang alimango na natira pero binigay niya naman sa akin at sinabing kukuhanin niya sana yun para ipag himay ako.
"Magpapa picture pa sana ako sayo doon banda sa coconut trees eh." sabi ko pa na parang nalulungkot kaya tumingin siya sa akin saka biglang tumayo at inilahad ang kaniyang kamay na nag aaya. "Tara" anyaya niya."Tsss eh pano ba yan ang laki laki ng tiyan ko tingnan." reklamo ko tapos ngumuso habang hinihimas ang tiyan ko dahil busog na busog talaga ako sa dami ng aking nakain. "Malaki talaga." pang aasar niya pa saka tumawa tawa kaya agad ko siyang pinandilatan ng mga mata.
Tatawa tawa pa siya habang patuloy akong inaasar. Natatawa na rin lang ako sa mga pang aasar niya sa akin kaya ang ending ay nagtawanan kaming dalawa.
"Hmm maligo na tayo di na ata ako makakapag tampisaw eh busog na busog ako baka sumakit pa tiyan ko." sabi ko saka kinuha ang aking mga gamit para makapag shower na at makapag freshen up.
. Tulad ko ay inayos niya na din ang mga gamit namin at kinuha ang gagamitin niya upang makapag shower na. Nag bihis lang ako ng white floral puff sleeve midi beach dress. Nag lagay ako ng konting liptint para hindi naman ako masyadong mapuslaw tingnan, nilagyan ko din ang cheeks ko para rosy ang appearance. Inayos ko ang aking mga basang damit at inilagay sa dry bag ko saka ko inayos ang mga gamit ko at muling tiningnan ang aking kabuohan sa salamin bago lumabas.
Tulad ng inaasahan ay nauna nang makabalik si Paul sa aming hut at inaayos niya na ang aming mga gamit na animoy handang handa ng umuwi. Naka pasok na ang lahat ng kagamitan sa aming mga bag maliban nalang sa bitbit kong dry bag at tote bag.
"Uuwi naba tayo?" Tanong ko habang tiningnan ang aming mga gamit. "Hindi pa naman, inayos ko lang para mamaya ay nakahanda na." sagot nya at tumango tango lang ako.
Tiningnan ko siyang mag lakad papalit sa dalampasigan at nag pulot ng mga bato bato roon. Sinundan ko naman siya at namulot rin para may remembrance kami mula sa trip nato.
"May dala akong marker, sulatan natin ng mga pangalan natin at iiwan doon, tingnan mo madami ring nag iwan ng bato nila." Tiningnan ko naman ang tinuro niya at nakita ko nga ang isang malaking mala altar na may mga maliit na kahon kung saan pwede ka mag iwan ng maliliit na gamit tulad ng shells at bato na pinulot namin.
Sabay kaming nag lakad papunta doon at iniwan ang bato namin.
Paul x jazz -yan ang isinulat niya sa bato.
"Mag wish ka ng para satin, dali! Isulat mo sa likod ang wish mo." sabi niya habang nakangiti.
Pumikit naman ako at saka humiling saka ko sinulat sa bato.
Sana pag balik natin dito tayo na.
Ngumiti naman ako sa kaniya ng matapos. Di ko alam kung matutupad yun, pero sana talaga. Hindi ko ipinakita sa kaniya ang sinulat ko at sinabing saka nalang pag natupad na yun. Hindi naman na siya namilit pang tingnan kaya agad na rin kaming bumalik at umupo sa may buhanginan sa ilalim ng mga punong niyog.
"Thank you, thank you for coming here with me." Naramdaman ko ang sinseridad niya ng sinabi niya ang mga saliyang yon. "I should be the one to thank you, thank you for bringing me here, I really enjoyed." Sinserong pasasalamat ko dahil talagang masaya ako sa araw nato.
Natahimik kaming dalawa at sabay ninanamnam ang ganda ng tanawin at preskong hangin dahil palapit na ang aming pag uwi at pag lisan sa napakagandang lugar nato.
. "Jazz....." panimula niya. Tiningnan ko naman siya at nakikita kong may gusto siyang sabihin ngunit tila hindi niya alam paano kaya kumunot ang noo ko, nagtataka.
"I......, I .........., I think-" Nagtataka ko naman siyang tiningnan. Ano nanaman to? Mukhang ang seryoso niya eh. Ano kayang sasabihin? Nakaka kaba naman ang lalaking to. Madalas niya naman kasing sinasabi agad kung ano ang gusto niya.
"What??" Tanong ko.
"I think----"
"f**k!!" Sigaw niya ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
Agad kaming tumakbo pabalik ng hut upang maka silong.
"Uh, what was that you're trying to say?" Tanong ko ng maka silong na kaming dalawa.
Bumuntong hininga naman siya saka tinitigan ako na animoy tinitimbang kung sasabihin ba sa akin o hindi kaya tinaasan ko siya ng kilay na nagpapa hiwatig na nag aantay ako sa sasabihin niya.
"I think it's about to rain, that was what I was supposed to say." Sabi niya at tumango tumango na parang tanga, animo'y pati ang sarili niya ay kinukumbinsi sa sinabi.
Nagtataka ako sa inasta niya pero piniling wag nalang umimik tungkol roon dahil nakikita kong parang ang lalim ng iniisip niya, sasabihin niya naman sakin yun kung handa na siya.
Hindi na ako nag salita hanggang sa tumila ang ulan at naka uwi kami. Patuloy rin siyang nanahimik at animo'y nag iisip hanggang makarating kami sa bahay, panay pa ang pag kunot noo at pag busina habang nagmamaneho. Hindi na rin ako nag pumilit na mag salita dahil inaantok ako sa biyahe at iniisip na baka siya rin ay pagod kaya ganun.
"I'd go ahead now." sabi nya at kumaway saka agad na sumakay sa sasakyan di man lang ako nilingon muli tulad ng lagi niyang ginagawa.
Baka napagod lang. Pumasok na ako at dumiretso sa kwarto dahil napagod din talaga ako, naintindihan naman nila mommy at mag kwento nalang daw ako mamaya.
<3