DREXEL's POV Naglalakad na kami pabalik sa office ni Sir Aoi, bubuksan na sana ni Sir Aoi yung pinto ng kusa itong bumukas at iniluwa ang isang babae, kita ko ang pagkagulat sa mukha nung babae ng magtama ang tingin namin, at nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makilala kung sino ang babaeng nasa harap ko.. Liviah? – rinig kong sabi ni Dad Y-you're a-alive? – utal na tanong ko Mom nandyan ka lang pala, ano bang ginagawa mo dito? Napahinto ako ng may tumawag sa kanya ng Mom, natatakot akong lumingon, kilala ko ang boses na yon, ramdam ko ang papalapit na yabag niya, at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makarating na siya sa harap ko Mom? – tanong ko, agad naman siyang napalingon sa akin tapos kay Dad Yeah, she's my mom, why? – tanong niya, parang sinaksak ng il

