ROCCO's POV Pinagmasdan ko lang yung dalawa habang magkayakap na nagsasayaw sa gitna, kusa naman akong napailing, first time kong makitang ganyan si Drex, maraming ka fling yang si Drex noon nung nasa mundo pa kami ng mga tao, chick magnet yan eh kaya nga hindi na ako nagulat noong dumamoves agad kay Ice yang si Drex, pero ngayon kung titignan mo siya para bang ang saya saya niya, na para bang hawak niya yung mundo niya. Kitang kita ko kung paano niya tignan si Gwen, ibang iba kumpara sa mga naging girlfriend niya noon at ibang iba kung paano niya tignan si Ice, akala ko nga nung una ay si Ice ang trip niya pero hindi pala, akalain mong yung taong kinamumuhian niya noon ang mamahalin niya May gusto ka ba kay Drex? Agad akong napalingon doon sa nagsalita, at halos mahulog ak

