RACHEL “Mahal, are you okay?” tanong ko sa asawa ko. “I’m okay, mahal ko.” sagot niya sa akin. “Magstart na tayo,” sabi ko sa kanya. “Okay po, excited na ako na malaman ang gender ng babies natin.” malambing na sabi niya sa akin. Kumapit ako sa braso niya at bumaba na kami para puntahan ang pamilya namin. Ngayon na ang araw ng gender reveal party namin. At ngayon rin ang araw ng eleksyon. Sa totoo lang kinakabahan ako pero syempre mas pinipili namin na maging kalmado at maghintay sa resulta. Mas bibigyan namin ng pansin ang gender reveal party namin. Kaya nga namin pinili ang araw na ito para kung sakali man na may mangyari ay handa ang damdamin namin. Mabuting tao ang asawa ko pero ang kalaban niya ay namigay ng pera sa mga tao. Pero umaasa ako na gagawin pa rin ng mga tao ang tama

