RACHEL Bagong umaga na kailangan kong harapin kasama ang asawa ko. Nakakapanibago dahil hindi na si manang ang sumasalubong sa akin tuwing baba ako sa hagdan. Sa totoo lang ay wala naman akong problema sa mga kasama namin sa bahay. Mabait naman sila at maasahan. Alam ko na naninibago lang ako ngayon pero masasanay rin ako. Hindi ito magtatagal. “Good morning, mahal ko.” nakangiti na bati sa akin ng asawa ko. “Breakfast na tayo,” nakangiti na sabi ko at nilapag ko sa mesa ang coffee niya. “Mahal ko, upo ka na lang. Ako na ang bahala sa sarili,” sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at hinayaan ko siya na lagyan ng pagkain ang plato ko. “Gusto mo bang sumama sa akin sa Capitol?” tanong niya habang kumakain kami. “Puwede ba?” “Of course,” sagot niya sa akin. “Okay,” makangiti n

