RACHEL Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero naiinis ako. Naiinis ako na hindi nasunod ang gusto ko. Sumasama talaga ang loob ko at hindi ko ito kayang kontrolin. Mas naiinis ako dahil alam ko na napipilitan lang si Adam na sundin ang nais ko. Lalo pa akong nainis dahil sinuka niya ang mga sinubo ko sa kanya na pagkain. Mabilis akong umakyat sa silid namin at hinintay ko siya na pumasok. Pagpasok niya ay binato ko sa kanya ang unan niya. “Sa labas ka matulog at ‘wag kang magpakita sa akin!” “M–Mahal, nagbibiro ka lang diba?” “Ako, nagbibiro?” kunot noo na tanong ko sa kanya. “Hindi ba?” “Sa tingin mo? Doon ka sa labas at hindi ka puwedeng pumasok dito kapag hindi ko sinasabi,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako para pumunta sa kama namin. Naiirita ako sa pagmumukha niya. “H

