ADAM SEBASTIAN Habang hinihintay ko ang asawa ko ay hindi maalis-alis sa dibdib ko ang kaba. Kahit pa alam ko naman sa sarili ko na hindi niya ako tatakbuhan ay natatakot pa rin ako na baka biglang magbago ang isip niya at hindi niya ako siputin dito sa simbahan. Sobrang moody pa naman niya ngayon dahil buntis siya. “Anak, relax darating ‘yon.” nakangiti na sabi sa akin ni daddy. “Kinakabahan ako, dad. Feeling ko ay ngayon pa lang ako ikakasal.” “Hahaha, manang-mana ka talaga sa akin. Ganyan rin ang naramdaman ko noong ikasal kami ng mommy mo. Pero kahit na nakakakaba ay i-enjoy mo lang ang araw na ito. Hindi naman ito ang unang beses na ikakasal ka kaya relax lang, anak.” “Thank you, dad.” “Masaya ako dahil finally natagpuan mo na ang tunay mong pag-ibig. Masaya ako na makita ka ul

