RACHEL “Rachel, ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang dapat kung gawin para pigilan ang sarili ko na hindi mahumaling sa ‘yo? I’m crazy over you.” sabi niya sa akin. “N–Ninong,” sambit ko. “Binabaliw mo ako palagi. Gusto ko akin ka lang, Rachel. Akin lang,” sabi niya sa akin. Wala akong maisip na kahit na anong salita na puwede kong sabihin rin sa kanya. Kahit ako, gusto ko rin na akin lang siya. Pero hindi ko magawa. Lagi akong pinapangunahan ng takot ko. Lagi kong iniisip ang anak niya. Pero hindi ko rin naman nais na magkabalikan silang dalawa ni Katherine. Aaminin ko na lihim ko na siyang minamahal. Iniisip ko pa lang na magiging masaya ulit siya sa ex-wife niya ay parang gusto ko na lang maglayas at hindi na magpakita sa kanya. “Baby,” bulong niya sa tainga ko. “Sa ‘yo lang ak

