RACHEL Sa amin na ang lahat ng atensyon ng mga tao na narito. “Mahal, ‘wag kang yumuko.” sabi sa akin ni Adam dahil napansin niya na nakayuko ako. “Nahihiya ako,” mahina na sabi ko sa kanya. “Huwag kang mahiya. Ipakita mo sa kanila ang maganda mong mukha.” sabi niya sa akin na para bang wala lang sa kanya ang nangyayari. “Per–” “Ikinahihiya mo ba ako? Gusto mo ba na halikan kita sa harap nila?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Biglang uminit ang buo kong mukha. Kinikilig ako sa simpleng banat niya. Lalo tuloy akong nahiya sa mga students na nandito. Alam ko na narinig nila ang sinabi ni Adam. “Mrs. Dela Vega, don’t be shy ang ganda mo kaya. Support here!” sigaw ng isa kong classmate. “Happy kami para sa ‘yo, Gov!” “Ang ganda po ng Misis n’yo, Gov!” “Bagay na bagay po kayo

