RACHEL “Anong kailangan niyo dito?” seryoso na tanong ko sa kanila. “I’m here for my daughter. Gusto ko lang siyang makasama at makausap.” sagot sa akin ni Katherine. “Kay ninong ka magpaalam. At hindi mo puwedeng basta na lang kunin si Reighn na walang pahintulot ng daddy niya.” mahinahon na sabi ko sa kanya. “Sino ka ba? Sino ka ba sa tingin mo? Sino ka para pagbawalan ako sa sarili kong anak?” tanong niya sa akin. “Ako na ngayon ang guardian ni Reighn. Hangga’t nasa poder ko siya ay responsibilidad ko siya.” mahinahon na sabi ko sa kanya. “Rachel, wala akong gagawin sa anak ko. Kaya hayaan mo ako na iuwi ko siya.” sabi niya sa akin. “Ayaw ko po, ate mommy.” mahina na bulong ni Reighn na ngayon ay nakakapit ng mahigpit sa akin. “Umalis ka na lang dahil hindi ko siya ibibigay sa ‘

