RACHEL “Mahal, sa tingin mo lalayasan pa kita kung tinaniman mo na ako? Ayaw kong mahirapan sa kambal.” natatawa na sabi ko sa kanya. “Alam ko pero natatakot pa rin ako kapag naiisip ko na posible mo akong iwan. Lalo na ang tapang mong babae.” “Malaki ang tiwala ko sa asawa ko. Alam ko na ako lang ang mahal niya kaya bakit ako aalis? Ikaw, ikaw ang pinaka-paborito kong desisyon. Ang desisyon na kailanman hinding-hindi ko pagsisisihan. Marami man ang dumating, marami man tayong pagdadaanan na dalawa? Palagi ko paring babalikan kung saan tayo nagsimula. Kaya sana ganun ka rin sa akin. Kasi hindi kita ibibigay sa iba. Akin ka lang,” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Mahal na mahal kita, Rachel. Hindi man ako perpekto pero gagawin ko ang lahat para hindi ka bigyan ng dahilan para iwan ako.”

