EZNA LIAN Kaming dalawa na lang ni bunso ang umalis ngayon. Ayaw namang sumama ni kuya kaya hinayaan na lang namin siya. Napag-usapan namin ng kapatid ko na kapag nakuha na namin ang padala ay babalik na lang kami agad dahil ayaw ko naman na iwan ng matagal si kuya sa bahay. Wala kasi siyang kasama. “Ate, okay lang kaya na walang kasama si kuya?” “Kunin na lang natin ang padala ni nanay at bilhin ang lahat ng kailangan natin. Umuwi agad tayo ,” sabi ko sa kanya. “Dalhan rin natin siya ng pasalubong,” sabi niya sa akin. “Oo naman, magdadala tayo,” sabi ko sa kanya. Medyo matagal rin ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa patag. Mabilis lang naman ang lahat dahil nakuha naman agad ang padala. Kilala naman na kami dito kaya mabilis lang. Binili ko na ang lahat ng mga kailangan

