RACHEL Kung ang ibang mga babae dito ay kilig na kilig kay Adam ako naman ay naiinis na sa kanya. Alam ko naman na mahal siya ng mga nasasakupan niya pero parang masyado na siya. Nagpapabango ba siya ng pangalan sa masa? Hinayaan ko na lang siya at hindi ko na pinansin. Nag-ikot pa ako para maghanap ng puwede kong bilhin. Nakalimutan ko pala ang listahan ko kaya naman forda hula na lang ako ng mga bibilhin ko. Nakatingala ako ngayon at iniisip ko kung bibili ba ako ng tissue o hindi. Kasi sa pagkakaalala ko ay may tissue pa naman ako doon. “Kukuha ka ba ng tissue, mahal?” biglang tanong niya na nasa tabi ko na siya ngayon. “Hindi,” masungit na sagot ko sabay layo sa kanya. Hindi ako lumingon sa kanya. “Ate!” tawag sa akin ni Reighn. Mabuti na lang talaga dahil hindi niya dinagdag

