THIRD PERSON POV “Daddy!” hindi inaasahan ni Adam na pupuntahan siya ng anak niya dito sa capitol. Nakangiti pa itong pumasok sa pinto ng office niya. “Sweetie, why are you here? Dapat sa bahay ka na dumiretso.” nag-aalala na tanong niya sa anak. “I miss you, daddy.” malambing na sabi ng kanyang anak at hinalikan siya nito sa pisngi. “I miss you too, sweetie. Just wait a little bit dahil matatapos na si daddy sa work.” malambing na sabi ni Adam sa anak niya. “Okay po, daddy.” sagot naman nito at umupo muna ito sa may couch. “Sino pala ang kasama mo na pumunta dito, sweetie?” “Si mommy po, pero nauna na po siya dahil magcook pa siya ng dinner natin. Hinatid po ako ng guard sa baba dito.” “I’m done, uwi na tayo.” nakangiti na sabi ni Adam sa anak niya. Lumabas na silang dalawa. Nawa

