RACHEL Hindi, hindi ako aalis dito. Kapag umalis dito ay hinayaan ko na rin si Katherine na gawin ang gusto niya sa boyfriend ko. Hindi ako papayag, kapag wala ako dito ay mas lalo siyang gagawa ng paraan para ahasin ang boyfriend ko. Paulit-ulit ko itong pinag-iisipan at hindi na magbabago ang isip ko. Mananatili ako rito kasama sila. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas sa silid ko. Tinawag na kasi ako ng kasambahay para bumaba dahil kakain na. Pagpasok ko sa dining area ay ako na lang pala ang hinihintay nila. Umupo ako malayo kay Adam. Mas pinili ko na tumabi kay manang. Nagsimula na kaming kumain at tahimik lang ang lahat. Hanggang sa bigla na lang nagsalita si Katherine. “Salamat pala, Adam. Thank you dahil hinayaan mo ako na makasama ko dito si Reighn.” Mahinhin na sabi ni K

