THIRD PERSON POV “Ano ba?! Saan niyo ba ako dadalhin?!” sigaw ni Katherine kay Vin na tauhan ni Adam. “Sa lugar kung saan mananahimik ka,” naiinis na sagot ni Vin dahil naiingayan siya sa bunganga ng babae. “Ano’ng mananahimik? Ano’ng binabalak niyo sa akin?” “Kami? Wala naman, hinihintay ko lang ang utos sa akin ni Gov.” “Pakawalan mo nga ako! Magkano ba ang kailangan mo!” sigaw ni Katherine sa lalaki. “Hindi mo ako afford. Hindi mo afford ang loyalty ko kay Gov. Alam mo kung bakit kasi kapatid na ang turingan naming dalawa. Kaya naman sa ‘yo na lang ‘yang pera mo dahil marami na akong pera. Minsan nga hindi ko na alam kung saan ko gagamitin,” nakangiti na sabi ni Vin. “Kapatid? O utusan,” natatawa na sabi ni Katherine. “Masaya akong maging utusan niya. Kaysa naman kunin ko ang pe

