RACHEL “Ate Rachel, sa room mo ba nagsleep si daddy?” Nagulat ako sa tanong ni Reighn. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya. Bigla akong kinabahan. “Good morning, sweetie.” biglang dumating si ninong at binuhat niya ang anak niya. “Good morning, daddy.” malambing na sabi ni Reighn. “Good morning,” bati rin sa akin ni ninong. “Morning,” tanging sagot ko sa kanya. “Daddy, doon ka po sa room ni ate natulog?” tanong bigla ni Reighn sa daddy niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni ninong. “Yes, sweetie. Doon ako natulog kasi binantayan ko ang ate mo.” saad niya sa anak niya na ikinagulat ko. Ang buong akala ko kasi ay itatanggi niya pero hindi niya ginawa. “Okay, daddy. Siguro po ay nag-aalala ka talaga kay ate.” nakangiti na sabi ni Reighn. “Yes, sweetie.” mabi

