RACHEL Kasama niya pala si Reighn at si Attorney. “Hi, ate. I miss you,” nakangiti na sabi niya at may binigay siya sa akin na bulaklak. Hindi ko alam kung ano ba ang ire-react ko sa kanya. Pero dahil may mga tao na narito ay mas pinili ko na lang na kunin ang bulaklak at batiin rin siya. Ang ganda ng ngiti ni Reighn sa akin. Kahit si attorney ay nakangiti rin. Pero si Adam, hindi ako tumingin sa kanya. “Thank you for coming.” sabi ko sa kanila. “We’re happy to be here, ate. I miss you so much and I’m sorry.” sabi niya sa akin na ipinagtataka ko. “Bakit ka nagso-sorry sa akin?” nagtataka na tanong ko sa kanya. “Wala lang,” sabi niya sa akin at niyakap niya ako. “Payag na ako. Payag na ako na maging mommy kita.” biglang bulong niya sa akin na ikinagulat ko. Para akong napako sa ki

