RACHEL Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng phone ko. May tumatawag sa akin. Unknown number kaya medyo nag-hesitate pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. But I decided to answer my phone. “Hello po—” Nabitawan ko ang phone ko pero mabilis ko rin itong pinulot. At muling kinausap ang tumawag. “A—Anong sabi mo?” Tanong ko sa tumatawag. “Nasa hospital po si Gov.” Sagot niya sa akin. Nang marinig ko ulit ito ay mabilis kong kinuha ang susi ng motor niya. Nagpaalam ako kay manang na pupunta ako sa hospital. Natatakot ako at nag-aalala ako. Habang nagmamaneho ako ay umiiyak ako. Sobrang lakas rin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa hospital. Kaagad akong sinamahan ng isang nurse papunta sa kanya. Pagpasok ko sa silid ay patakbo akong lumapit sa kanya at ni

