ADAM SEBASTIAN Mahirap ang gustong mangyari ng asawa ko pero gagawin ko para sa kanya. Alam ko na ginagawa niya ito para sa anak ko. At mas lalo kong minahal si Rachel dahil dito. She has a strong personality pero hindi niya maitatago na may mabuti siyang puso. Na lumalambot rin ang puso niya lalo na sa anak ko. “Vin, sa tingin mo paano natin mailalabas si Katherine sa hospital na walang nakakapansin sa atin?” “Pupunta ako doon at pag-aralan ang buong lugar.” “Thank you, Vin.” “Always, ninong.” pabiro na naman na sabi niya sa akin. “Kapag gusto mo ng mag-asawa ay sabihin mo lang. Anytime ay pwede kang magresign. Hindi kana bumabata at kailangan mo na rin magsettle down.” “Bagay talaga kayong dalawa ni Rachel. Kinukulit niyo rin ako sa bagay na ‘yan. Pero sorry bro wala pa akong bala

