RACHEL “What the fvck!” napabangon ako bigla ng mabasa ko ang text message ni ninong. Ninong: Baby, huwag ka munang lumabas. Katherine and Reighn are here. “Nasa labas si Reighn at Katherine?” tanong ko sa sarili ko. Kahit pa masakit ang katawan ko ay pinilit kong bumangon papunta sa banyo. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya mas pinili ko na lang na maligo. Gusto ko pa sanang magbabad sa bathtub ko pero hindi ko na lang ginawa. Ayaw ko naman na mag-isip pa sila ng kung anu-ano tungkol sa akin. Lalo na ang ex-wife niya. Paglabas ko sa banyo ay inayos ko muna ang kama ko na magulo. Kahit pa masakit ang katawan ko at mahapdi ang kiffy ko ay pinili ko pa rin na maglakad ng maayos. Paglabas ko sa silid ko ay nakaupo si Reighn at Katherine sa may couch. Habang si ninong ay palabas galing sa

