RACHEL “The twin babies are healthy. Mabuti naman at sinusunod mo ang diet plan mo.” nakangiti na sabi sa akin ni Doktora. Check-up ko ngayon at ultrasound na rin. Ang magandang kaibigan pa rin ni Adam ang doktor ko. Kaibigan ko na ito kaya hindi na ako nagseselos sa kanya. “Kahit na gustong-gusto ko kumain ng kanin ay pinipigilan ko ang sarili ko. Dahil alam ko na baka mahirapan ako sa panganganak. At ayaw ko na sermonan mo ako,” saad ko kanya. “Mabuti naman at masunurin ka. Ang iba kasing buntis kapag pinagsasabihan na bawal ang ganito, bawal ang ganyan ay matigas talaga ang mga ulo. Ayaw makinig sa akin. Tapos ako ang sisihin kapag may mga nararamdaman silang sakit.” Napangiti na lang ako sa mga narinig ko kay doktora. Tama talaga siya marami akong napapanood online na masyadong

