Chapter 9: Lamat ng Tiwala

561 Words
Angela – Alas-nuebe ng gabi. Papasok na naman ako sa trabaho. Mugto ang mga mata ko sa kakaiyak buong maghapon. Hindi ako makatulog ng maayos. Hindi rin ako makakain. Wala akong ganang gumalaw. Pero kailangan ko pumasok. Kailangan ko magtrabaho. Para sa sarili ko. Para hindi ako mabaliw sa iniisip. Nagdesisyon akong mag-message kay Marco. Pero wala na ‘yung dating lambing sa mga salita ko. Wala na ‘yung "Babe" na nakasanayan naming tawagan. “Papasok na ako sa trabaho.” Wala nang emoji. Walang puso. Walang kasunod. Diretso, malamig. At ramdam kong ramdam ‘yon ni Marco. Marco – Pagbasa ko ng mensahe ni Angela, parang sinaksak ang dibdib ko. Alam kong nasaktan ko siya. At alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ngayon ganito siya. Oo, totoo. Alam ko ‘yung account na nakita niya. Pinagawa ‘yon ng kabaro ko. Udyok lang. Biruan lang daw. “Bro, gawa ka na ng sss mo! Lagay mo ‘yung picture natin sa Greece, astig ‘yon!” At dahil wala akong iniisip na masama noon, pumayag ako. Pero isang pagkakamali ang hindi ko pagbura sa mga screenshot. Mga pag-uusap na sana'y hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Angela – Alas-dos ng madaling araw. Breaktime. Hindi ako mapakali. Para akong sasabog. Kailangan ko ng kasagutan. Tumawag ako kay Marco. Sinagot niya agad. Nakita ko siya sa video. Medyo halatang kabado. Ako naman, diretso sa punto. "Mag-screen record ka ngayon." "Ha? Anong—" "Now, Marco. Gusto kong makita lahat. Punta ka sa gallery mo. Punta ka sa album." Sumunod siya. Tahimik. Kinakabahan. Habang pinapakita niya ang phone screen niya, palipat-lipat ang kamay niya. At doon ko na nakita—isang folder, hindi pa nabubura. At sa loob noon, isang screenshot ng chat nila ng kabaro niya at ‘yung babae sa Greece. Angela – Ang lalamig ng kamay ko habang pinipigil ko ang luha ko. “I-send mo sa’kin ‘yan.” “Angela, please—” sabi nya “Send it. Ngayon.” Wala na siyang nagawa kundi i-send ang screenshot. Tumitig ako sa conversation. [“When you come here in our ship. Please come here we miss you.”] Tila nabingi ako. Nawala ang ingay ng pabrika. Nawala ang mundo ko. Ang mga salitang iyon ay parang kutsilyong paulit-ulit na tumataga sa puso ko. Marco – Napaluhod ako sa gilid ng kama. Hindi ko na mapigil ang luha ko. "Angela, walang masamang nangyari. Wala kaming ginawa. Nagkausap lang. Wala ‘yon!" Pero hindi na niya ako pinakinggan. “Hindi lang ito tungkol sa larawan o sa sss. Marco, sinira mo ‘yung tiwala ko. Alam mo bang araw-araw akong nagpapagod sa pabrika, nagpupuyat para lang makausap ka, tapos ganito?” Angela – Hindi ko na mapigilan ang iyak ko. Yung sakit… parang wala nang katapusan. "Kahit anong sorry, Marco, parang hindi sapat. Hindi mo alam kung gaano kabigat ‘yung naramdaman ko.” At totoo… hindi sapat ang sorry. Kasi minsan, ang simpleng pagkakamali, kapag sinamahan ng pagsisinungaling at pagtatago, lumalaki ito. Lumalalim. Nag-iiwan ng lamat. Marco – Wala akong nagawa kundi umiyak. Paulit-ulit kong sinabi sa kanya: “Ikaw lang. Wala nang iba.” Pero hindi na ito sapat. Hindi sa ngayon. At masakit tanggapin, pero alam kong ako ang may kasalanan kung bakit unti-unting bumibitaw ang babaeng buong buhay kong pinangarap makasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD