Marco –
Buwan ng pagdapo ng mga huling araw ng kontrata ko sa barko, at sa bawat araw, nagpaparamdam ako kay Angela. Gusto kong ipakita sa kanya na nagsisisi ako. Gusto kong malaman niya na wala akong ibang iniisip kundi siya, at ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi natitinag ng kahit ano.
Palagi ko siyang tinatawagan, laging may mensahe, laging may updates. Bawat sandali, pinapakita ko sa kanya kung gaano ko siya pinahahalagahan, kung gaano ko siya nami-miss.
“Babe, ingat ka lagi sa trabaho mo ha. Miss na kita.”
“Babe, sana makapagvideo call tayo mamaya, kahit saglit lang.”
“Babe, hindi ko kayang mawala ka. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako.”
Nais ko sanang ipakita na hindi na ako magkakamali. Na kahit gaano pa ako kalayo, si Angela lang ang nararamdaman kong tahanan. Ang bigat ng mga nakaraang araw, pero unti-unti ko nang nararamdaman na may nangyayaring pagbabago. Medyo nagiging okay kami, pero may mga tanong pa rin sa isip ko, tanong na hindi ko kayang ipaliwanag.
Tuwing nakikita ko siyang tahimik, hindi ko maiwasang mag-isip: May mga tanong pa ba siya? May duda pa ba siya sa akin?
Pero walang magagawa, kailangan ko nang umuwi. Malapit na akong makabalik sa Pilipinas.
Angela –
Mga huling linggo ng kontrata ni Marco. Kung titignan mo kami ngayon, parang wala na yung mga dating tensyon. Kung may alingawngaw man sa pagitan namin, ako na lang ang nakakarinig. May mga pagkakataon na naiisip ko pa rin ‘yung mga nangyari. Hindi ko pa rin kayang kalimutan kung paano ko siya nasaktan, kung paano niya ako pinaniwala na wala ng ibang babae, tapos may ganoong picture na hindi ko kayang ipaliwanag.
Pero sa bawat mensahe, sa bawat tawag, pakiramdam ko unti-unti ring bumabalik yung tiwala ko. Hindi ko alam kung dahil lang sa mga salita o kung dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Kahit ganito ang nararamdaman ko, ayoko ring mag-isip ng masama. Gusto kong maniwala sa mga ipinapakita niyang efforts.
“Marco, I miss you. Ingat ka palagi.”
“I’m here waiting. Hindi ko kayang maghintay ng matagal.”
Minsan, kapag nagbabalik-tanaw ako sa mga mensaheng iyon, alam kong hindi na ulit magiging kasing simple ng dati, pero may maliit na bahagi pa rin sa puso ko na nagsasabing kaya pa namin.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko tinanong si Marco,
“Wala bang iba?”
Pero sabi niya, palagi, “Wala. Ikaw lang.”
At sa mga salitang iyon, kahit masakit, natututo akong magpatawad. Natututo akong tanggapin na hindi siya perfecto, at hindi rin ako. Ngunit kami, kami ay may pagkakataon pa.
Marco –
Habang papalapit ang araw ng pag-uwi ko, ang excitement ko ay hindi matitinag. Ipinadala ko na ang flight details kay Angela. Sinabi ko sa kanya na makikita ko siya sa wakas. Hindi ko na kayang maghintay pa ng matagal.
Hindi ko na siya pinsundo sa airport. Alam ko na may pasok siya sa pabrika, at ayokong magdulot ng abala. Kaya naman nagdesisyon akong magtungo diretso sa bahay namin sa probinsya, sa maliit naming tahanan, kung saan ako nagmula, kung saan ko siya unang nakilala.
Angela –
Pagdating ko sa bahay mula sa pabrika, hindi ko inasahan na nandiyan na siya. Bago ko pa buksan ang pinto, naramdaman ko ang mga paborito kong furbabies—si Mochi, si Kira —na tumakbo palapit sa akin. Kinuha ko sila at niyakap ng mahigpit. At nang pasok ako, laking gulat ko nang makita si Marco. Nakasandal siya sa pader sa may harap ng bahay, hindi ako makapaniwala. Si Marco. Nasa harap ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit, hindi ko mapigilan ang mga luha. Nandiyan siya, buhay at ligtas, matapos ang 10 buwan. Hindi ko na kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang saya, sobrang lungkot—lahat ng magkasama.
“I miss you so much, Marco.”
Si Marco, kahit galing siya sa biyahe at pagod, hindi pwedeng walang lutong hapunan. Habang nililigaya ang mga furbabies, naghanda siya ng pagkain para sa aming dalawa. Isang simpleng hapunan, pero sa bawat kagat, damang-dama ko ang pagmamahal niya.
Marco –
Habang naghahanda ng pagkain, hindi ko maiwasang magbalik-tanaw. Galing ako sa ibang bansa, ang dami ng naranasan ko. Pero lahat ng iyon ay nauurong nang makita ko si Angela. Ang mga simpleng bagay na may kasamang pagmamahal—mga ganyang sandali ang pinakamahalaga.
Tumingin ako kay Angela, at sa bawat ngiti niya, alam kong kami pa rin, tayo pa rin. May mga sugat na kailangang maghilom, pero handa akong maghintay, handa akong magpagod para sa kanya. Wala na akong ibang nais kundi makapiling siya.
Angela –
At nang maghapon, habang kami’y nag-uusap, nagkaharap, at naghahapunan, naisip ko—marami pang darating na pagsubok. Ngunit sa gabi ng aming muling pagtagpo, ramdam ko na kahit anong mangyari, si Marco pa rin ang mahal ko. Hindi ko siya kayang bitawan.