Chapter 5: Katahimikan

639 Words
Angela – Pagkahatid ko kay Marco sa airport, parang may nawala sa puso ko. Habang papauwi akong mag-isa sa aming bahay sa probinsya, tanging mga alaala lang namin ang kasama ko. Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng katahimikan. Wala ang boses ni Marco. Wala ang halakhak namin. Tahimik ang bahay—parang walang buhay. Ang aming munting bahay na dati'y puno ng tawa at lambingan, ngayo’y tila naging malamig. Umupo ako sa kama namin at niyakap ang unan niya. Naamoy ko pa ang amoy ng pabango niya. Hindi ko napigilan ang luha. Na-miss ko agad siya. Lumipas ang ilang araw. Tulad ng usapan namin, araw-araw ko siyang tine-text. “Hi Babe, kumusta ka na diyan? Nakaabot ka na ba nang maayos? Kumain ka na ba?” Isa, dalawa, tatlong text araw-araw. Kahit simpleng mensahe lang, basta alam niyang naaalala ko siya. Pero walang sagot. Walang kahit isang ‘seen’. Unti-unti akong kinakain ng kaba. “Bakit wala pa rin siyang reply? Safe ba siya? May nangyari ba sa kanya?” Pinipilit kong maging kalmado, iniisip na baka walang signal o baka abala pa siya. Pero habang tumatagal, hindi ko mapigilang mag-alala. Lalo na’t alam kong laging dala ni Marco ang telepono niya. "Marco... nasaan ka na ba?" bulong ko habang nakatingin sa langit. Marco – Nasa kabuuan pa lang kami ng unang linggo sa barko, at ramdam ko agad ang hirap. Bagong sakay pa lang, wala pang maayos na signal at internet. Wala pa ring Wi-Fi. Halos araw-araw, tumitingin ako sa inbox ng cellphone ko—punong-puno ng text ni Angela. “Hi Babe... Miss na kita.” “Babe, kumain ka na ba?” “Babe, okay ka lang ba?” Halos mapunit ang puso ko sa bawat pagbasa. Ramdam ko ang kaba at lungkot niya. Gusto kong magreply. Gusto kong sabihing okay lang ako, sabihing ligtas ako at miss ko na rin siya. Pero walang load. At grabe ang mahal ng roaming charges dito sa abroad. Sa totoo lang, wala pa rin kaming access sa Wi-Fi sa barko kaya’t ni chat sa Messenger ay imposible. Naglalakad ako sa hallway ng barko, dala ang cellphone ko, parang baliw na hinahanap ang kahit anong signal. Kapag may kaunting bar lang sa screen, umaasa akong makapagsend ng kahit isang simpleng "I love you." Pero wala pa ring sapat. Frustrating. “Angela, pasensya ka na. Ramdam ko ang pag-aalala mo,” bulong ko sa hangin habang nakatanaw sa dagat. “Pero pangako, babawi ako. Kapag naka-Wi-Fi na kami, uulanin kita ng mensahe.” Masakit na hindi ko siya mapawi sa pag-aalala. Pero kahit malayo ako, sana maramdaman niya na iniisip ko siya, bawat araw, bawat segundo. Angela – Isang gabi, umuulan. Nakaupo ako sa may bintana, hawak ang telepono. Nakatitig ako sa mga huling mensaheng ipinadala ko kay Marco. "Babe, kahit simpleng okay lang... please." Niyakap ko si Mocha at Kira. Kahit sila, parang nalulungkot. Pakiramdam ko, kami lang ang natira sa mundong tahimik. Pero kahit walang sagot, hindi ako titigil. Baka bukas, may reply na. Baka sa isang linggo, may tawag na. Umaasa ako, kahit masakit. Marco – Sa gitna ng alon at pagod sa trabaho, si Angela pa rin ang laman ng isip ko. Bawat ikot ng orasan, tinatanong ko ang sarili ko kung naiintindihan niya. Naiintindihan niya ba kung bakit wala pa akong reply? Naiintindihan niya ba na kahit hindi ako makasagot, hindi ibig sabihin noon na hindi ko siya mahal? Sa silid ko, bago matulog, binubuksan ko ang inbox. Binabasa ko ulit ang mga text niya. Doon ako humuhugot ng lakas. Angela – Alam kong mahal ako ni Marco. Pero minsan, hindi ko mapigilan ang takot. Pero sa kabila ng lahat, maghihintay ako. Sa bawat hindi niya sagot, umaasa pa rin ako. Kasi alam kong si Marco, kahit tahimik siya ngayon—nagmamahal pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD