Chapter 6: Sa Gitna ng Oras at Distansya

620 Words
Marco – Sa wakas, nagkaroon na rin kami ng Wi-Fi sa barko. Pagka-connect ko pa lang, ang una kong ginawa ay buksan ang Messenger at hanapin ang pangalan ni Angela. Ilang linggo ko ring tiniis ang pananahimik, ang mabasa lang ang mga text niya nang hindi ko masagot. Pero ngayon, oras na para iparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Agad akong nag-message: "Babe, may Wi-Fi na kami! Kumusta ka na? Miss na miss na kita. Safe ako, huwag kang mag-alala." Mabilis ang reply ni Angela, parang matagal na niya akong hinihintay. "Babe? Buti naman okay ka. Salamat sa Diyos. Araw-araw akong nag-aalala sayo. Lagi kang mag-iingat ha?" Naramdaman ko agad ang init ng pagmamahal niya, kahit pa milya-milya ang pagitan namin. At mula noon, sinigurado kong araw-araw ko siyang ina-update. Kahit simpleng bagay lang. "Babe, simula na ng duty ko." "Babe, breaktime ko. Saglit lang, inom lang ng tubig." "Babe, tapos na duty ko. Grabe, pagod pero worth it kasi nakausap kita." Sa ganitong paraan ko siya pinaparamdam na kahit malayo ako, kasama niya pa rin ako. Bawat segundo, bawat oras, sinusulit ko para malaman niyang siya pa rin ang laman ng araw-araw ko. Angela – Parang binuhusan ako ng liwanag nang mag-message si Marco. Sa wakas! Sa ilang araw kong pagtitiis, pag-aalala, at pagtangis sa gabi, heto na siya, buhay, ligtas, at okay. Hindi ko mapigilan ang luha ng tuwa. "Salamat, Lord," bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa phone screen. Tuwing may mensahe siya, parang nabubuhay ulit ang mga araw ko. Yung dating malamig at malungkot na bahay, nagkakaroon na ulit ng kulay. Kahit simpleng update niya, pinahahalagahan ko. "Babe, simula na ng duty ko." "Babe, breaktime ko." "Babe, tapos na duty ko." Para bang nararamdaman kong kasama ko pa rin siya. Para bang naririnig ko ang boses niya habang sinasabi niya ang mga ito. Ako naman, habang nagtatrabaho sa pabrika bilang night shift worker, binabantayan ko ang oras. 10PM ang simula ng shift ko hanggang 6AM. Pero ang pinakahihintay ko sa buong gabi ay ang alas-dos ng madaling-araw—ang breaktime ko. Hindi ako kumakain noon. Hindi ako nagpapahinga. Ang oras na iyon ay inilalaan ko lang kay Marco. Sakto kasi, alas-siyete ng umaga sa kanya, tapos na siya sa duty. Kaya kahit sobrang antok na ako, kahit pagod, basta makausap ko lang siya, nawawala ang lahat ng hirap. "Babe, okay ka pa ba diyan? Kumain ka na? Sana makapagpahinga ka rin kahit papano." Nagpapalitan kami ng update, kahit simpleng "Ingat ka diyan" o "Miss na kita." Para kaming sabay pa ring nabubuhay, kahit magkalayo. Marco – Nakakagaan sa pakiramdam na kahit pagod ako sa duty, may naghihintay sa akin. Si Angela. Sa dami ng iniisip ko sa barko—trabaho, orders, safety—siya lang ang hindi nakakaligtaan ng isip ko. At tuwing nagmemessage siya sa breaktime niya, mas lalo kong naiintindihan kung gaano siya kaseryoso sa pagmamahal niya. Naiisip ko, habang ako’y nagpapahinga, siya ay nagtatabi ng oras para sa akin kahit puyat na puyat na siya. Minsan nga, sinasabi ko sa kanya: "Babe, bakit ‘di ka muna kumain? Baka manghina ka." Pero ang sagot niya ay laging: "Makaka-kain ako kahit kailan, pero ang makausap ka, 'yun ang hindi ko palalampasin." Doon ko na-realize, hindi lang ako ang lumalaban. Pareho kaming lumalaban sa distansya. Sa oras. Sa puyat. Sa pangungulila. Angela – Alam kong hindi madali ang sitwasyon naming dalawa. Mahirap ang maghintay, mahirap ang magtiwala habang malayo. Pero sa bawat mensahe ni Marco, sa bawat update, alam kong totoo ang pagmamahal niya. At dahil doon, tumitibay ako. Hindi man kami magkasama sa gabi, hindi man kami magkahawak sa hirap, pero sigurado ako… ...nagkakahawak pa rin ang puso naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD