Chapter 3: Tawag ng Dagat

320 Words
Angela – Limang buwan na kaming magkasama sa iisang bubong. Simple lang ang bahay—isang kwarto, maliit na kusina, at siksik-siksik na gamit kasama ang tatlong furbabies namin. Pero para sa amin, para sa akin, para kay Marco—ito ang pinakamasayang parte ng relasyon namin. Nagigising ako sa amoy ng kape niya. Naghahati kami sa paglilinis, pagluluto, at pag-aalaga sa mga pusa't aso. Parang kasal na nga kami kahit walang papel. Pero isang umaga, habang nag-aalmusal kami ng tuyo at itlog, tumunog ang cellphone niya. Agad siyang tumayo at sumagot. May kaba sa mukha niya. Tumingin siya sa akin pagkatapos ng tawag na parang may balita na hindi niya alam kung paano sasabihin. "Babe..." bulong niya. "Tumawag ang agency. May barko na raw ako. After three years." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Masaya ako para sa kanya, syempre. Matagal niyang hinintay 'yon. Pero ang sakit din—kasi ang saya naming dalawa, biglang puputulin ulit ng dagat. --- Marco – Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Angela. Tatlong taon akong nag antay bago makasakay. Tatlong taon kaming halos sumasabay sa bagyo ng pangarap. Pero ngayong may alon na ulit na tatahakin, kailangan ko bang iwan syang mag isa para tuparin ang aking pangarap para sa aming pamilya? "Okay lang ako," sabi niya, pilit ang ngiti. "Alam kong 'yan ang pangarap mo." Pero hindi ako bulag. Kilala ko ang mga mata niya. At sa likod ng tapang, may takot. Na baka hindi ako bumalik. Na baka sa barko, makalimutan ko ang tahanan na binuo namin. Hinatid ko siya sa trabaho kinabukasan. Hawak kamay. Walang salita. Pero bawat hakbang, parang countdown sa pag-alis. "Hihintayin kita," bulong niya bago bumaba ng jeep. "Gaya ng dati." Pero ngayon, alam kong hindi na siya gaya ng dati. Mas totoo. Mas malakas. Mas mahal ko. At kahit ilang dagat pa ang lampasan ko—babalik at babalik ako. Sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD