Chapter 2: Hindi Kami Pantay

318 Words
Balik tanaw kung paano nagsimula ang relasyon ni Marco at Angela. Angela – Hindi ko maalala kung kailan nagsimulang lumayo ang tingin ng mga tao sa akin. Baka noong una pa lang akong ipinakilala ni Marco sa pamilya niya—nakita ko na agad sa mga mata ng ina niya: hindi ako para sa anak niya. Walong magkakapatid kami. Pangalawa ako. Mahirap kami, oo. Laking probinsya. Natutong magsaing gamit ang uling, at maghati-hati sa isang lata ng sardinas para sa limang plato. Pero kahit mahirap kami, buo ang pamilya namin. Marangal. Ma-pride sa tamang paraan. "Hindi mo ba naiisip na baka gusto lang niya ng mas magandang buhay?" narinig kong sabi ng tita ni Marco noong isang reunion. Hindi niya alam, narinig ko lahat. Oo, mahirap kami. Pero hindi ako sumama kay Marco dahil may nag babarko siya. Sumama ako dahil minahal ko siya noong wala pa siya, noong naglalakad lang kami sa palengke, at naghihintay ng free taste sa mall para makaraos. Marco – Naiinis ako. Hindi sa kanya—kundi sa sarili ko. Sa tuwing may sinasabi ang pamilya ko tungkol sa estado ni Angela, nananahimik ako. Alam kong mali. Pero minsan, parang dinidikta ng tradisyon na hindi ko dapat kontrahin ang matatanda. Pero kanina, narinig ko ang lola ko. "Kung mag-aasawa ka rin lang, sana 'yung kasing-level mo. Hindi 'yung galing sa squatters." Tumayo ako, galit. "Lola, kung siya man ay galing sa hirap, edi mas dapat niyo siyang hangaan. Dahil kahit mahirap siya, hindi siya nanghingi. Nagmahal lang siya." Tahimik sila. Pero sa loob ko, naglalaban ang lungkot at tapang. Ayoko nang itago. Ayoko nang pagtakpan si Angela sa mundong dapat ay yakapin siya. "Hindi kami magka-level," sabi ko. "Tama kayo. Dahil mas mataas siya sa inyo. Mas may puso siya kaysa sa kahit kanino rito." At doon ko nalaman: hindi ko lang siya ipinaglalaban. Pinipili ko na siya. Kahit kanino. Kahit kanino pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD