Sa tinamo kong pagkapalo sa buo kong katawan ay halos hindi ko maitayo ang aking mga paa. Pinilit kong kontrolin ang panginginig nito at ang tuluyan kong pagbagsak ngunit tanging isip ko lang ang malakas hindi kaya ng aking katawan kaya bago ako bumagsak ay nagdesisyon akong kailangan ko nang patayin si Victor kahit kapalit na nito ng aking buhay. Kinalabit ko agad ang gatilyo... Muli kong inulit, inulit nang inulit nang inulit... ngunit hindi ito pumutok...walang bala ang lumabas sa baril. Nanlumo ako. Walang bala ang naagaw kong baril. Nagtawanan silang lahat. Lalo akong kinabahan hindi na lang sa akin pamilya kundi sa aking sarili lalo pa’t hindi naman buhay ko lang ang nakataya rito, buhay naming lahat lao pa’t isang buhay na ang inutang niya at ayaw kong madagdagan pa. Hindi na mam

