FINAL CHAPTER PART 1 Hindi ko makakayang mawala siya sa akin. Hindi si Donna ang kailangang magbuwis ng buhay kaya nang alam kong kakalabitin na ni Victor ang gatilyo ng kanyang baril ay mabilis kong iniharang ang katawan ko sa kaniya pagkatapos ko siyang maitulak. Naramdaman ko ang pagtama ng bala sa aking dibdib. Nanginig ako. Dahil sa pagkabigla at pagkatumba ni Donna ay hindi na niya nagawang mabunot ang baril niya ng ganoon kabilis. Bang! Bang! Bang!" sunud-sunod na putok ng baril galing kay Victor. Bang! Bang! Bang! Sa wakas nakaganti ako. Tinamaan ko siya sa balikat. Nabitiwan niya ang baril. Kung wala lang sana akong tama ay paniguradong naasinta sa kaniyang ulo. "Bang! Bang!" galing iyon sa baril ni Donna. Nakaluhod siya. Sa ulo at dibdib ni Victor tumama ang ba

