Pabalik na sana ako sa aking sasakyan nang bigla na lang may pumalo sa aking ulo. Umikot ang aking paningin. Napaupo ako. Tuluyang napasadlak sa damuhan. Sa padilim kong mundo, nakita ko ang pamilyar na mukha. Si Luis. Ang bestfriend namin ni Donna na may mataas nang katungkulan sa pulisya. Ibig sabihin siya ang pulis na sinasabi ni Diane sa akin. Siya ang protector nina Arvin at Kulas. Paanong hindi ko naisip iyon. Lahat naman halos ng sindikato o Mafia Group ay may protector. Bumalik ang aking ulirat nang bigla akong parang nalulunod na. Pagbukas ko sa aking mga mata ay basa ako ng masangsang na tubig. Hindi ko alam kung anong klase ng tubig ang ibinuhos nila sa akin. Mapanghi iyon na may ibang amoy. Nagtatawanan sila sa paligid ko. “Chief gising na ang bihag!” sigaw ng isang sindik

